Human

Human trafficking

April 10, 2023 People's Tonight 286 views

NOONG nakaraang linggo ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ang anim na Pilipinong biktima ng international “human trafficking syndicate.”

Ang kaso ng anim na kababayan natin ay nagpapatunay lamang na ang “human trafficking” ay malaking problema hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang Southeast Asian nations.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang anim na Pilipino ay ni-recruit ng sindikato na magtrabaho bilang “chat support agents” sa Thailand.

Mula sa Thailand, na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations na kagaya ng Pilipinas, ang mga biktimang Pinay ay dinala sa Laos, isa pang miyembro ng ASEAN.

“They were told to dupe foreigners into falling in love with them and then encouraging them to invest in a fraudulent company,” ayon pa sa Bureau of Immigration (BI).

Tatlong beses silang naipagbili sa iba-ibang sindikato bago nila na-contact ang Phiippine Embassy sa pamamagitan ng online communication, dagdag ng immigration bureau.

Gumagawa ng paraan ang ating gobyerno para matigil na ang human trafficking na bumibiktima ng mga kababayan nating naghahanap ng trabaho sa labas ng bansa.

Kung minsan ay hindi natin masisisi ang iba, lalo na yong matagal ng jobless, kung sila ay napipilitang makipag-deal sa mga job recruiter na naglipana sa social media.

Pero mas makabubuti sana kung tayong naghahanap ng trabaho mismo ang magpupursigIng ipaalam sa mga otoridad ang ginagawa ng mga miyembro ng sindikato.

Tulungan natin ang gobyerno para mahuli at makasuhan sa korte ang mga human trafficker na ito.

AUTHOR PROFILE