Default Thumbnail

Hukom, biktima ng ‘akyat bahay’

June 19, 2023 Jojo C. Magsombol 216 views

HINDI pinatawad ng miyembro ng “akyat bahay” ang isang hukom matapos pasukin ang bahay nito umano at nakawin ang isang jewelry box habang wala siya sa kanyang tahanan sa 2023 sa isang subdivision sa Barangay Sabang, Lipa City, Biyernes.

Ayon sa Lipa City Police Station chief, ang biktima ay nakilalang isang hukom ng Regional Trial Court (RTC) ng Lipa City.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng hukom kakauwi lang nito sa kanyang tahanan galing sa bakasyon dakong alas 11:45 ng hapon (Hunyo 16) ay nadikubre niya na tila may kakaibang nangyari sa loob ng kanyang pamamahay diumano.

At kalaunan napag-alaman niya na ang kanyang jewelry box na puno ng alahas na nagkakahalaga ng P583,000 na nakalagay sa loob ng cabinet sa kanyang kuwarto na pinaniniwalaang ninakaw ng hindi pa nakikilalang suspek.

Matapos ang beripikasyon sa insidente, nadiskubre rin ng biktima na ang bintana ng comfort room ng nasabing kuwarto ay tila binuksan diumano na kung saan posibleng pumasok ang suspek.

Kasalukuyang sinusuri ng mga otoridad ang mga CCTV footage na maaaring makatulong sa imbestigasyon para matukoy ang mga salarin na nambiktima sa hukom.

AUTHOR PROFILE