
Housewife at dating sekyu wagi ng house and lot sa ALLTV promo
Isang maybahay at isang dating security guard ang maswerteng nanalo ng bahay at lupa mula sa Vistaland sa Panalo sa AllTV promo.
Pinangunahan ni Bb. Camille Villar ang ceremonial turnover ng mga susi sa dalawang winners na sina Monica Labausa, at Benedict Esmenio.
“Thank you po kay Congresswoman Camille Villar. Sakto po kasi matagal na kami nagbabayad (ng rent),” ani Esmerio, dating security guard.
Kare-resign lang niya sa trabaho nitong Mayo para maghanap ng ibang mapapasukan.
“Tuwing umaga po, nakasubaybay na ako sa mga nanalo e. Sakto po kasi wala po akong trabaho, kaya iyon po naging libangan ko sa bahay,” ayon kay Esmenio, na taga-Las Piñas.
Mangiyak-ngiyak si Esmenio at ang kanyang pamilya nang malaman na siya ang nabunot sa raffle.
Kasama ang tatlong anak, nagpasalamat ang Esmonio family sa AllTV at kay Rep. Villar sa pagkapanalo.
Hindi rin matawaran ang saya ni Labausa, isang housewife at may anak na apat na taong gulang, mula sa Muntinlupa.
Sobrang saya niya matapos malaman na nanalo siya ng bahay at lupa.
Nanood lang si Labausa araw-araw ng “It’s Showtime” sa ALLTV nang malaman niya ang promo at nagpasyang sumali rito.
“Masaya po… nakikitira po kami ngayon sa aking in-laws,” ayon kay Labausa, na ang asawa ay call center agent.
Maliban sa bahay at lupa, may chance ring manalo ang 20 televiewers ng ALLTV na mabubunot para sa daily raffle ng tig-P500.