
Hottie to the Max
WALANG kupas ang hot momma vibes ng aktres na si Max Collins matapos niyang mag-post ng isang mapang-akit na selfie na agad nagpasiklab sa social media!
Suot ang bra at may kasamang matamis pero mapangahas na kindat, tila sinelyuhan ni Max ang titulong “Pambansang Dyosa ng Confidence!”
Sa kabila ng kanyang fresh at effortless look, hindi napigilan ng netizens na bumaha ng papuri sa comment section. “Always pretty, Queen!” ani ng isa, habang ang iba naman ay napa-“Hot momma alert!”
Mukhang hindi lang summer ang mainit, pati na rin ang feed ni Max! Sa ganitong klaseng pasilip, sino pa ba ang maghahanap ng ibang paraiso? Abangan kung ano pa ang susunod na pasabog ni Max Collins, baka next time, hindi na lang ‘wink’ ang ibigay niya.