Kilmer Val Kilmer

Hollywood legend Val Kilmer yumao sa edad 65

April 2, 2025 Eugene E. Asis 93 views
Kilmer1
Val Kilmer at Josh Brolin

YUMAO na ang mahusay na Hollywood actor na si Val Kilmer sa edad na 65 nitong Martes. Kinumpirma ito ng anak niyang babae na si Mercedes Kilmer. Ayon sa kanya, namatay ang ama dahil sa pneumonia. Na-diagnose si Kilmer ng throat cancer noong 2014 pero gumaling kalaunan.

Kaagad namang bumuhos ang pakikidalamhati mula sa kanyang mga kaibigan tulad ni Josh Brolin. Sa kanyang Instagram account, inalala niya si Kilmer bilang isang ‘one-of-a-kind talent.’

“See ya, pal. I’m going to miss you,” post ni Brolin kasama ang isang litrato kung saan sila magkasama. “You were a smart, challenging, brave, uber-creative firecracker.

There’s not a lot left of those. I hope to see you up there in the heavens when I eventually get there. Until then, amazing memories, lovely thoughts.”

Sa isang statement ng mahusay na direktor na si, Michael Mann — na nakatrabaho ni Kilmer sa “Heat” noong 1995 — simabi nitong: “While working with Val on ‘Heat’ I always marveled at the range, the brilliant variability within the powerful current of Val’s possessing and expressing character. After so many years of Val battling disease and maintaining his spirit, this is tremendously sad news.”

Ayon sa film critic na si Richard Roeper sa kanyang X post: “Val Kilmer should have been nominated for Best Supporting Actor for ‘Tombstone’ and for ‘Heat. He was a brilliant presence in some of the most enduring films of his generation. “Rest well. Thank you for the incredible work.”

Kilala sa iba’t ibang papel nitong mga nakaraang dekada tulad sa Top Gun bilang Iceman, Batman at Doc Holliday (“Tombstone”), halos 100 pelikula ang nagawa ni Kilmer.

AUTHOR PROFILE