Posas

Holdaper sa jeepney timbog ng trike driver

December 27, 2023 Jonjon Reyes 207 views

HINDI na nagawang makatakas ang isang 41-anyos na scavenger matapos humingi ng tulong ang isang service crew member na hinoldap ng una sa loob ng pampasaherong jeep sa Legarda malapit sa Figuerras Street, Barangay 416, Sampaloc,Manila, Miyerkoles ng umaga.

Mismong ang tricycle driver na si Edwin Isles. 42, ang nag-aresto sa suspek na nakilalang si Mark Jarred Varron, residente ng Galas, Quezon City

Gayunman, kahit na nabawi ang cellular phone ng biktimang si Jopay, 20, residente ng Sta.Mesa,Manila,tuloy pa rin ang kaso.

Base sa ulat ni Police Staff Sargent Jeus Cris Jacalne, ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, bandang 10:50 ng umaga nang biglang sinapak umano ng suspek ang biktima sabay kinuha ang itim na Bisor” cellular phone nito na nagkakahalaga ng P6,000.

Tinangka pa ng dalaga na huwag ibigay ang pakay ng suspek, subalit sinipa siya nito,na nagmamadaling lumabas ng sasakyan.

Dito na humingi ng tulong ang biktima sa pumapasadang tricycle driver at matimbog ang naturang scavenger.

AUTHOR PROFILE