Kim Chiu at Paulo Avelino

Hintayang KimPau kinumpirma

June 28, 2024 Vinia Vivar 40 views

Sinagot nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang isyung naghihintayan sila tuwing natatapos sa taping ng What’s Wrong with Secretary Kim.

Ang tsika nga kasi, kahit tapos na ang mga eksena ng isa sa KimPau, hindi pa aalis at hihintayin ang kapareha para sabay silang umuwi.

Kinumpirma na rin umano ng direktor nilang si Chad Vidanes ang “hintayan” issue.

Sa panayam ng ABS-CBN sa KimPau sa airport bago lumipad patungong Birmingham, United Kingdom, natanong ang magkapareha kung totoo nga bang naghihintayan sila at inamin naman ito ni Paulo na may kasamang paliwanag.

“Hindi naman totally naghihintayan pero alam mo ‘yung hiya, ‘yung nahihiya ka sa co-actor mo dahil minsan inuuna ‘yung mga eksena mo, siyempre nahihiya ako kay Kim dahil may eksena pa siya. Kung isang eksena na lang, hintayin ko na lang matapos,” sey ng aktor na inayunan naman ni Kim.

Natanong din si Paulo kung totoo bang hinahatid niya pa sa bahay si Kim. Pero itinanggi naman ito ng aktor.

“Layo ng bahay ni Kim. After ng taping I’m sure pagod na kami pareho, direcho na (pauwi),” aniya.

Samantala, inaabangan naman ngayon ng fans kung ano ang paayuda ng KimPau sa UK dahil tuwing aalis sila ay mayroon sila laging pasabog para sa kanilang supporters.

Matatandaan na nitong pumunta sila sa Albay ay napilit ni Kim na mag-jump shot si Paulo sa harap ng Mayon Volcano.

Sa Dubai naman ay spotted sila na laging magkasamang mag-jogging at kumain sa mga restaurant.

AUTHOR PROFILE