Sanya

Hinog na hinog na

September 1, 2024 People's Tonight 230 views

NASISI pa nga sa pag-init ng panahon ngayon kahit na tag-ulan na raw ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Sa ginawa kasi nitong pagbabandera ng kanyang hotness sa Instagram, nakaramdam ng “sudden heat” ang kanyang followers.

“Time to recharge babe,” wika niya sa caption ng nasabing post.

Kahit nga sa Bali, Indonesia pa nag-bikini ang aktres, abot Pilipinas pa rin ang init ng patakam nito para sa mga barako.

Sa larawan, makikita si Sanya na todo-awra habang nakasandal sa puno. Pakak ang hubog ng aktres na matatanaw.

Walang duda, master na sa pagpukaw ng atensyon ng mga kalalakihan si Sanya, dahil walang kahirap-hirap niyang makukuha ang kanilang titig sa pamamagitan ng ganitong mga post.

“Face card will never decline” nga ang atake ng ganda ng aktres. Effortless niyang ibinida ang no makeup at kaakit-akit na look.

Pati ang netizens ay nauga sa mala-lindol na lakas ng karisma ni Sanya, kaya naman pinusuan nila at binaha ng papuri ang nasabing post.

Maging ang ilang kapwa niya aktor ay hindi rin napigilang magbigay ng reaksyon sa post.

Hirit pa ng isang netizen, “Ayy ohh!! Mars kaya pala ang init!”

AUTHOR PROFILE