Elisse

Hindi po ako pregnant — Elisse

July 14, 2023 Vinia Vivar 496 views

Itinanggi ni Elisse Joson ang lumalabas na balitang buntis siya sa baby no. 2 nila ni McCoy de Leon.

“Nakakatawa,” ang sey niya sa interview sa kanya ng “TV Patrol” sa katatapos na mediacon ng pinagbibidahang seryeng “Pira-Pirasong Paraiso.”

“Nilagnat lang po ako nu’ng isang araw pero hindi po ako pregnant,” natatawa niyang sabi.

Maging ang co-star niyang si Charlie Dizon ay natatawa rin sa issue.

“May naghanap po kasi kay Elisse nu’ng nag-promo kami. Oo, tapos parang, siyempre, ang daming nag-react na bakit siya lang ‘yung wala. Pero ang totoo, nilagnat talaga si Elisse,” paliwanag ni Charlie.

Ayon pa kay Elisse, magtatrabaho muna siya.

“Nakakaloka, magtatrabaho po muna tayo,” sambit niya.

Mukhang hindi naman kapani-paniwala na buntis si Elisse dahil may tinanggap nga siyang bagong trabaho na magsisimula pa lang umere sa July 25.

AUTHOR PROFILE