Vern Larawan mula sa IG/Vern Kaye

Himasin para swertihin

May 20, 2024 People's Tonight 369 views

MANGANGATOG ang kalamnan ng mga kalalakihan hindi dahil sa lamig kundi dahil sa hotness overload na kayang ihain ng Vivamax actress na si Vern Kaye.

Tila walang habas kung ibandera ng sexy star ang kanyang kaseksihan sa isang Instagram post.

Ayon sa kanya ay nae-enjoy niya ang maging bida sa sarili niyang mundo, habang ang mga barako sa mundo ng kanilang pantasya, nangangatog sa tawag ng laman sa kanila dahil sa wangkata ni Vern.

“Exposing my main character moment,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Makikita ang actress sa mga larawan na todo-awra habang nasa batuhan.

Matigas at magaspang man ang mga bato sa kanyang background, halata namang malambot at makinis ang balat ni Vern. Kung rebulto lang siya, malamang ay magiging suki siya ng himas para swertihin ang mga kelot na swerteng nakahimas sa bebot na tulad niya.

Pinukol naman ng mga makamundong titig ang killer body ng Vivamax actress. Paraiso para sa male fans ang tanawing masisipat sa hubog niya.

Sa comment section nga ay miss na miss na ng mga tagasubaybay ng sexy star ang paglabas niya sa mga pelikula, hinahanapan nila ng bagong movie ang aktres na kanilang aabangan.

Pamilyar ang publiko kay Vern dahil sa kanyang mga pagganap sa ilang proyekto kabilang na ang Kasalo (2024), Salitan (2024), Stag (2024), at Araro (2023).

AUTHOR PROFILE