DA

HILING SA DA: SOBRANG KAMATIS SOLUSYUNAN

April 27, 2025 People's Tonight 119 views

UMAPELA si AGRI Party-list Rep. Manoy Wilbert Lee sa Department of Agriculture (DA) na tugunan ang paulit-ulit na isyu ng sobrang suplay ng kamatis sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasanayan sa mga magsasaka upang maproseso ang sobrang ani bilang value-added products.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pag-aaksaya at mapapataas ang kita ng mga magsasaka, ani Lee.

“Nakapanlulumo at nakapanghihinayang na makitang itinatapon na lang at nauuwi sa wala ang pinaghirapan ng ating mga magsasaka. We must provide them with the tools and knowledge to turn this challenge into an opportunity,” ayon kay Lee.

Ang panawagan ng mambabatas mula Bicol ay kasunod ng mga ulat ng sobra-sobrang suplay ng kamatis na nauuwi sa pagkasayang sa mga lugar tulad ng Nueva Vizcaya at Iloilo, kung saan itinapon ng mga magsasaka ang tone-toneladang kamatis dahil sobra ang suplay sa merkado.

Iminungkahi ng AGRI Party-list, na tumatakbo para sa muling pagkakaluklok sa 2025 national at local elections, na magsagawa ang DA ng mga programang pagsasanay para sa mga magsasaka upang matutong gumawa ng mga produkto tulad ng sun-dried tomatoes, tomato paste, ketchup at tomato jam.

“Instead of letting our farmers suffer losses, we should empower them with the knowledge and tools to process their harvests, turning potential waste into profitable goods,” ayon sa AGRI Party-list.

“By equipping our farmers with processing skills, we not only reduce waste but also open new income streams for them,” dagdag pa nila.

Iminungkahi rin ng AGRI Party-list ang pagtatayo ng community-based processing centers at ang pagbibigay ng kinakailangang kagamitan upang maisakatuparan ang mga programang ito.

Hinimok din nito ang DA na magbigay ng mas maraming post-harvest facilities, cold storages at preservation facilities, at ayusin ang isang malinaw na agricultural value chain upang matiyak ang direktang ugnayan ng mga lokal na prodyuser ng pagkain sa mga pamilihan at mamimili.

“Proper infrastructure is crucial to prevent post-harvest losses and ensure food security. Our farmers invest time, effort, and resources into their crops. Paulit-ulit na masasayang ang pinaghihirapan ng ating mga magsasaka kung hindi matutugunan ang matagal nang kakulangan sa suporta at epektibong programa,” ayon sa AGRI Party-list.

“The numbers may vary across agricultural products, but one thing remains clear: without proper post-harvest support, products will not reach the markets and our tables, and farmers, fisherfolk and local food producers–our ‘food security soldiers’–will continue to suffer,” dagdag pa nila.

Sa Nueva Vizcaya, napipilitan ang mga magsasaka na itapon ang tone-toneladang kamatis dahil bumaba ang presyo sa P7–10 kada kilo.

Sa Pavia, Iloilo, tinatayang tatlong tonelada ng kamatis ang itinapon o ginawang pagkain ng hayop dulot ng sobrang suplay, kung saan bumagsak ang presyo sa P4 kada kilo.

AUTHOR PROFILE