Lolit

Hiling ni Lolit magkaayos sina Bea, Ogie at Cristy

May 3, 2024 Vinia Vivar 83 views

Ikinagulat ni Lolit Solis ang pagsasampa ng kaso ni Bea Alonzo laban sa mga kasamahan niya sa industriya na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Last Thursday (May 2) ay naghain nga si Bea ng tatlong magkakahiwalay na criminal cases for cyber libel against Ogie and ‘Nay Cristy sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sa Instagram post ni ‘Nay Lolit kahapon ay inamin niyang guilty rin siya sa pagsusulat ng mga kagagahan tungkol kay Bea.

“Nagulat ako sa ginawa ni Bea Alonzo na pagsampa ng libel case sa mga kasamahan nating writers. Kasi nga guilty din ako sa mga nauna kong sinulat nuon na mga kagagahan tungkol kay Bea,” pahayag ni ‘Nay Lolit.

Matatandaan na may panahong naookray din ni ‘Nay Lolit si Bea sa kanyang Instagram posts at dumating pa sa puntong pinagbantaan siya ng kampo ng aktres na idedemanda.

Say ni ‘Nay Lolit, thankful siya na pinatawad na siya ni Bea nang magkita sila.

“Pero in fairness at thankful ako na hindi napikon si Bea Alonzo. Kung minsan kasi, may mga pagkakataon na iba ang mood mo pag meron mga ganitong pangyayari.

“In fact napikon pa ako sa binitawang salita nuon ni Shirley Kuan na ‘I will consult my lawyer’.

“But in fairness talaga at very thankful ako, naging very sweet at forgiving ni Bea Alonzo ng magkita kami sa isang presscon. Kaya nga masasabi ko, tiyempo lang kung minsan. May mga mood din kasi bawat tao, at kung minsan pag natiempo ka sa pangit na mood, hayun na,” sey ni ‘Nay Lolit.

Walang gustong kampihan ang talent manager/showbiz columnist sa magkabilang kampo dahil aniya ay pareho-pareho lang na may ipinaglalaban ang mga ito.

“Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Pareho tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At pareho din sila tiyak na naka-focus sa resulta ng kanilang aksiyon,” she said.

“Tulad siguro ni Vhong Navarro na talagang 10 taon ang hinintay para sa kaso na isinampa laban kina Deniece Cornejo at Cedric Lee, handa din maghintay nang matagal sina Bea Alonzo at mga kinasuhan niyang writer.”

“Hindi mo sasabihin sayang ang oras ‘pag naka-focus ka sa ginawa mo. At mukhang pareho naman handang ipaglaban nina Bea Alonzo, Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang kaso,” patuloy niya.

Gayunpaman ay hangad niyang maging maayos ang lahat sa pagitan nina Bea, Ogie at ‘Nay Cristy.

“Ipinaglalaban ng bawat panig ang kanilang karapatan. Ang kanilang paniniwala na tama ang kanilang ginawa. Dasal ng lahat na kung maayos, sana maayos pa.

“Maghintay na lang tayo, alam ni Bea Alonzo ang kanyang ginawa, at alam din nina Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang karapatan. Hintayin natin ang magiging resulta. Hintayin natin hanggang saan makakarating.

“Idasal natin na sana maging maayos ang lahat. Marami ng problema sa paligid at sana mas magaan na ang mga magaganap na pangyayari. We wish the best for both parties. Maayos sana maging takbo ng kanilang mga aksiyon. Bongga,” pagtatapos ni ‘Nay Lolit.

AUTHOR PROFILE