Default Thumbnail

Higit 1k pamilyang Navoteño, titira sa condo style na itatayong pabahay

August 16, 2023 Edd Reyes 242 views

Edd ReyesKARAGDAGAN na namang pabahay sa mga naninirahan sa delikadong lugar ang itatayo pa sa Navotas matapos isagawa ang groundbreaking ceremony para sa konstruksiyon ng NavotaAs Homes 3 -Tanza.

Mismong sina Mayor John Rey Tiangco, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, at National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang nanguna sa seremonya sa Brgy. Tanza 1 para sa 5.6 na ektaryang proyekto na may 24 na palapag na gusali na puwedeng okupahin ng may 1,440 pamilyang Navoteño.

Sabi ni Mayor Tiangco, layunin ng lokal na pamahalaan na magtayo pa ng mga pabahay sa kanilang lungsod dahil marami pa rin ang mga naninirahan sa tabing-dagat at ilog, maging sa ilalim ng mga tulay na dinadaluyan ng tubig na lubhang mapanganib sa kanilang buhay at ari-arian,

Sabi pa ng alkalde, hindi hadlang ang maliit na kalupaan sa Navotas para mabigyan ng maayos na tirahan ang kanilang mamamayan lalu na’t katuwang nila rito ang NHA at DHSUD.

Sa kabuuan, mayroon ng limang in-city na proyektong bapahay sa Navotas na may kabuuang 2,187 units na tinitirhan na ng mga residenteng dating nasa mapanganib na lugar at ang iba naman ay mga nasunugan at naapektuhan ng kalamidad.

Kabuhayan sa Cavite na apektado ng 2 bagyo, unti-unti ng bumabangon

KAHIT papaano ay unti-unti na palang nakakabawi ang maraming maliliit na negosyo sa lalawigan ng Cavite, lalu na ang mga nasa sektor ng pangingisda na ilang linggo ring nawalan ng hanapbuhay bunsod ng magkasunod na pananalasa ng bagyong Egay at Falcon.

Halos araw-araw ay hindi nawawalan ng mga maliliit na negosyanteng nagpapa-renew ng kanilang permiso sa pagnenegosyo na hindi nila naasikaso dahil sa sama ng panahon sa mga pamahalaang lungsod at munisipyo sa lalawigan ng Cavite na patunay na masiglang muli ang kalakalan.

Ang kaso, pati pala ang mga naluging negosyo ng mga operator ng mga peryahan ay sinamantala na rin ang maaliwalas na panahon nang ilatag na muli ang ilegal na sugal sa mga itinayo nilang mini carnival para makabawi daw sa pagkalugi.

Pagbibigyan naman sila tiyak ng mga lokal na pamahalaan kung hindi nila sisingitan ng ilegal na sugal para maging legal ang kanilang pagnenegosyo.

Kaya lang, inumpisahan pala nina alyas “Peter” at alyas “Ben” ang paglalatag ng mesa ng numbers game sa kanilang peryahan sa Buhay na Tubig sa Imus at Barangay Sabang sa Dasmarinas na sinundan tuloy nina alyases Egay at Encho sa bayan ng Maragondon, Barangay Inocensio sa Trece Martirez at sa Siyudad Nuevo sa Naic.

Hindi tuloy nagpatalo ang isang alyas “Nelma” nang palihim na ilatag din ang ilegal na aktibidad sa kanyang mini-carnival na hindi pa kalayuan sa city hall ng Trece Martires dahil sa ganitong paraan lang daw sila makakabawing muli sa pagkalugi..

Kaya lang delikado kapag nabisto ang kanilang ilegal na gawain ni Cavite Provincial Police Office chief P/Col. Christopher Olazo dahil baka sa halip na makabawi, lalu pa silang malugi kapag ipinasara ang kanilang negosyo.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE