
HERLENE, MAS BET MAGING SINGLE
Sa panayam kay Herlene Budol ng mag-asawang Julius at Cristine Babao sa kanilang vlog, nag-open-up ang beauty queen sa kanyang ex-boyfriend na pinangalanan niyang “Totoy.”
Non-showbiz daw ang guy at five years ang kanilang naging relasyon.
Habang nagkukuwento nga si Herlene ay ipina-flash sa screen ang mga sweet photo nila ng ex na actually ay mukhang totoy pa talaga.
Ayon kay Hipon ay nag-break sila last March kaya seven months na siyang single ngayon.
Maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay. In fact, hanggang ngayon ay may communication sila.
“Naghiwalay naman po kami nang maayos talaga. Until now, nagkakakontakan kami kasi marami po kaming mga aso,” sey ni Herlene.
Asked kung ano ang reason ng breakup, ayon kay Hipon ay oras at mahirap pala talagang pagsabayin ang lovelife at career.
“Hindi na po namin nabibigyan ng time ang isa’t isa. Siyempre po, ‘yung taping po kasi, grabe ‘yung buong maghapon ko, nasa taping, ganyan.
“Mahirap din po talagang pagsabayin siguro ‘yung love at saka ‘yung career kaya mas pinili po naming unahin po muna namin ‘yung mga priorities na dapat naming unahin,” pagbabahagi ni Hipon.
Napag-usapan din nila na walang samaan ng loob at friends pa rin sila.
Matatagalan pa raw siguro bago siya magmahal muli at mas okay sa kanya na single muna siya ngayon.