Herlene

Herlene, handa nang sumabak sa Miss World Tourism 2023

July 15, 2023 Vinia Vivar 483 views

Matapos tanghaling Miss Tourism Philippines at manalo ng limang special awards sa Miss Grand Philippines 2023 coronation night, naglabas ng mahabang Facebook post si Herlene Budol para ipahayag ang nararamdaman at magpasalamat sa lahat ng naging parte ng kanyang pageant journey.

“Thank you lord sa lahat ng blessings na tinatamasa ko po ngayon. indi ko man nakuha ang TOP CROWN at least may CROWN padin ang Hipon girl nyo kht 3rd crown pa yan, iwawagayway ko pa rin ang bandila ng Pilipinas sa International stage,” ang simula ni Herlene.

Mula sa pagiging isang simpleng Hipon Girl, hindi inakala ni Herlene na makakarating siya sa mundo ng pageantry at magkakaroon pa ng korona.

“Dahil indi rin biro Sumalang sa isang National Pageant mula sa registration day hanggang sa screening. At kung palarin ka maging isang Official Candidate, Ang sarap kaya sa pakiramdam yung mabilang ka bilang isang OFFICIAL CANDIDATE ay parang nanalo ka narin sa LOTTO.

“Bonus din yung maka pasok at kasama ka sa bilang ng SEMI FINALIST lalo na sa estado ko na isang simpleng Hipon girl at laking squatter na indi marunong mag ingles.

“Binibining Pilipinas 2022 1st runner up at ngayon tinanghal ako ng MISS PHILIPPINES TOURISM 2023 ay isang malaking karangalan at achievement para sa akin,” ani Hipon.

Ayon pa sa kanya, nakahanda na siya sa panibagong hamon bilang representative ng Pilipinas sa Miss World Tourism 2023 na gaganapin sa London.

“Dahil ilalaban ako sa upcoming INTERNATIONAL STAGE sa LONDON ng NOBYEMBRE 2023 sa 32nd Annual search ng Miss Tourism World 2023.

“Eto ay panibagong yugto at hamon para sa akin dahil wala pang na koronahan ang PHILIPPINES sa loob ng dalawang dekada. Kaya mag sisikap ako ma e uwi ang pangalawang MISS TOURISM WORLD CROWN para sa PILIPINAS!” aniya.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa kanyang manager na si Wilibert Tolentino at sa iba pang tumulong at sumuporta sa kanya.

“Salamat sa nag iisang Boss Amo Manager ko si Sir Wilbert Tolentino, Ang taong nag tiwala at tuparin ang pangarap ko. Wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung wala cya sa tabi ko. Your one of a kind. kaya makita nyo sa larawan nito linagay ko ang Korona sa ulo nya rin. Dahil ang tagumpay ko ay tagumpay nya rin, tagumpay natin laha,” pahayag ni Herlene.

“Salamat sa GMA7 Kapuso network headed by Madam Anette Gozon Valdes sa pag payag at tuparin ang aking pangarap. Sa Magandang Dilag family ko at buong prod team.

“Salamat Miss Grand Philippines Organization headed by Sir Arnold Vegafria & the entire MGP family.

“Salamat sa aking BUDOL family at POLICARPIO family nag sisigaw at nag titilian sa aking performance sa patimpalak.

“Tatay Oreng at Nanay Bireng ko sa heaven. Para sa atin etong Korona. Salamat sa pag mamahal at supporta nyo sa akin kasama ang mga KaFreshness, Kainutz, KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan sa walang sawang supporta sa akin,” dagdag pa ni Herlene.

Bilang pagtatapos, aniya, “I am Herlene Nicole Budol your MISS PHILIPPINES TOURISM 2023 at 5 Special Award. BEST IN RUNWAY, MISS ARENA PLUS, MISS EVER BILENA, MISS MERMAID MANILA HAIR, MISS BLUE WATER DAY SPA.”

AUTHOR PROFILE