Joey1

Henyo Master Joey, pinayuhan ng netizen: Tigilan na ang pagpaparinig

July 3, 2023 Ian F. Fariñas 562 views

Tila patama sa “It’s Showtime” ang latest post ni Joey de Leon sa kanyang Instagram account.

Isang group photo ang in-upload ng tinaguriang Henyo Master kung saan ay makikitang nasa loob sila ng elevator nina Tito Sotto, Vic Sotto at ang legit Dabarkads.

“Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin… lagpas helicopter,” ang caption ni Joey.

Siyempre, dahil sa word na “helicopter” at “elevator” ay hininala ng netizens na “parinig” ito sa kalabang noontime show. Matatandaan na sa opening ng “It’s Showtime” last Saturday ay nag-helicopter si Vice mula sa rooftop ng ELJ Building ng ABS-CBN compound hanggang sa building ng GMA-7 sa Timog Ave.

Pagkatapos nito ay nag-elevator siya mula sa rooftop ng GMA hanggang sa ground floor.

“Havey yung lagpas helicopter😂😂😂 taob ang helicopter sa truck ng lalamove,” komento ng isang netizen.

“Tvj lang sapat na. Di na need magarbong entrance,” sey naman ng isang follower.

May nagpayo kay Joey na iwasan na sana ang pagpaparinig pero ipinagtanggol naman siya ng ilang netizens at sinabing wala namang masama sa pahayag ng comedian/TV host.

AUTHOR PROFILE