Default Thumbnail

Helper sinaksak habang nasa inuman sa Baseco

June 13, 2022 Jonjon Reyes 278 views

NAMATAY habang inoobserbahan sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang isang 57-anyos na helper makaraang pagsasaksakin nang umano’y “dayo” na suspek sa Baseco Compound, Port Area, Maynila Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ariel Roja, ng New Site, Baseco Compound, Port Area.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na residente ng Maharlika Village, Taguig City at narekober ang isang kitchen knife na may bahid pa ng dugo.

Batay sa initial na ulat ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Bgy. 649 sa Baseco.

Ilang residente sa lugar ang nagtulong-tulong na maisugod sa naturang pagamutan si Roja, subalit dakong 9:10 ng gabi nang ideklarang “dead on arrival” ni Dr. Crisanto Tominez ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, dumayo ang suspek sa lugar ng biktima upang makibalita dahil sa nakaraang sunog umano dito at inabutan ng suspek ang biktima na nakikipag-inuman.

“Naangasan” diumano ang suspek sa isang kainuman ng biktima na nauwi sa gulo ngunit ito ang nasaksak imbes ang nakaalitan.

AUTHOR PROFILE