Heart

Heart, pinagtawanan ang sarili sa epic fail na ‘Ask Me a Question’

September 7, 2023 Vinia Vivar 179 views

Epic fail ang ‘ask me a question’ ni Heart Evangelista sa Instagram dahil walang nagtanong kahit isa.

“Okay, so you can ask me anything and I’ll try to reply. This is going to be fun. Let’s go!” ang simulang anunsyo ni Heart sa kanyang IG.

Pero matapos ang ilang oras ay wala pa ring nagtatanong at makikita ito sa ipinost niyang screenshot ng comment section.

Makikita sa screenshot na si Heart lang ang nag-iisang comment nang comment.

“Hiiiii! Ask me a question lol,” ang unang comment ni Heart.

Walang sumasagot kaya sey niya ulit, “Wala makapagask! Lol.”

In fairness, may mga nagla-like naman at nagre-react ng emojis sa mga komento ni Heart.

“Ano toh “one way relationship” yung isa lang ang pwede mag salita? Lol,” ang muling komento niya.

Wala pa ring komento kaya sinagot na naman niya ang sarili ng “paano na ‘to?”

Sey pa niya, “Dead silence.”

Ang ending, tinawanan na lang niya ang sarili at itinag niya pa ang sarili.

“Tawang tawa ako sayo dear!! @iamhearte,” she wrote.

Hahaha!

AUTHOR PROFILE