Heart Evangelista

Heart, panic mode sa ‘niknik’ bites

June 11, 2021 Vinia Vivar 2134 views

Problema ni Heart Evangelista ngayon ang kanyang niknik bites na aniya ay dumarami.

“Bwesit ang niknik bites. Wth bat siya dumadami nakaka panic,” tweet ni Heart.

May nagtanong kung ano ang niknik bites at may nag-post naman ng info tungkol dito at kung paano ito gamutin.

Ayon sa isang website, ang niknik ay “group of tiny insects also known as gnats, sand flies or sand mites.”

Makati ito ’pag nakakagat at masahol pa sa lamok dahil tumatagal ang kati nito for weeks.

Muling nag-tweet si Heart at aniya ay panic mode na siya at iniisip niyang auto-immune disease na ito.

“Normal people: niknik bites — sus wala yan. Overthinkers (me): autoimmune na toh. Panic mode. Bakit ka dumadami!!” ani Heart.

Marami naman ang sumagot na nakaka-relate sila kay Heart dahil may mga niknik bite rin sila at sobrang kati nga raw.

Ang iba’y nagpayo ng gamot na dapat ipahid at may nagsabi ring patingin siya sa dermatologist.

AUTHOR PROFILE