Heart

Heart kinarir ang pag-ayuda sa mga hayop

July 28, 2024 Vinia Vivar 299 views

Hindi lang mga taong nasalanta ng bagyong Carina ang tinulungan ni Heart Evangelista kundi ang mga hayop din.

As we all know ay pet lover ang aktres ever since kaya naman labis din siyang nag-alala sa mga hayop na nawalan ng bahay o naanod ng baha dahil sa bagyo.

Bilang presidente ng Senate Spouses Foundation, Inc. o SSFI, bukod sa pagsasagawa ng relief operations sa Sto. Niño Elementary School sa Marikina, nag-donate rin sila ng saku-sakong pet food sa The Philippine Animal Welfare Societe (PAWS).

Makikita sa video na ipinost ni Heart ang pagtungo nila sa PAWS office kasama ang iba pang SSFI members para maghatid ng pagkain para sa mga hayop.

“Typhoon Carina not only affected thousands of humans but pets as well,” simula ni Heart sa caption.

Kaya naman kasama rin daw dapat ang mga hayop sa tinutulungan kapag may kalamidad sa bansa.

“No one should be left behind and that means humans and pets alike in times of calamities,” she said.

“The SSFI has been blessed with partners who are also looking after the welfare of animals, sending dog and cat food for the furbabies left homeless by the typhoon,” patuloy niya.

“What better way to reach out to as many abandoned pets as possible than through and with PAWS Philippines. They have always been part of the National Disaster Risk Reduction Management Council, rescuing animals left behind in times of calamities.

“Today we did a quick pop in at PAWS to drop off some supplies for the resident dogs and the rescued ones. We were toured around and were able to listen to the happy and sad stories of the pets in their care. SSFI is one with PAWS in calling against animal cruelty,” she said.

Nanawagan din ang aktres/global fashion icon sa mga may mabuting loob na kababayan na willing magbigay ng tulong para sa mga hayop at sa pet owners na nawalan ng bahay.

“Please spread the word, PAWS is still in need of your generosity for the furbabies and pet owners left homeless by the storm,” panawagan ni Heart.

ZIA AT SIXTO ALISTO SA PAGRE-REPACK

SPEAKING of ayuda, kabilang din nga ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga nagpaabot ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Carina.

Ayon sa report ng “24 Oras”, magkasamang nagtungo ang celebrity couple sa Kapuso Foundation para magdala ng relief packs na ipinamigay sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang relief packs ay sama-samang handog ng DongYan at ng kanilang pamilya, malalapit na mga kaibigan at sponsors.

Ayon kay Marian, mahigit 700 bags ang kanilang naibalot at ang aktres pa mismo ang personal na bumili ng ilang mga ilalagay sa bags.

Katulong naman nila sa pagre-repack ang mga anak na sina Zia at Sixto na makikita sa isang video na alistong nagbubuhat ng mabigat-bigat ding relief bag.

“Maraming salamat sa mga nagbigay para at least makakalap kami ng ganu’n kadaming bag para maibigay natin at ma-distribute natin sa mga kababayan natin,” ani Marian.

“We decided to turn over everything dito sa GMA Kapuso Foundation kasi alam naman natin na GMA Kapuso Foundation, isa parati sa mga nauuna pagdating sa mga sites sa ganitong klaseng mga sakuna,” sey naman ni Dong.

AUTHOR PROFILE