Heart

Heart handang isakripisyo karera para kay Chiz

June 5, 2024 PS Jun M. Sarmiento 66 views

Heart1INAMIN ni fashion Icon and actress Heart Evangelista na handa siyang magsakripisyo para tulungan at samahan ang kanyang asawang si Senate President Francis Chiz Escudero sa mga bagong paghamon nito.

Ayon kay Heart, bagamat alam niyang mahirap talagang isakripisyo ang mga schedule niya ay hindi siya aniya magsisisi na gawin ito ng para sa asawang si Sen. Chiz at ang kanyang bagong hamon ay tinatanggap niya.

“I am very hardworking so kahit ano naman ang ibigay sa akin tatanggapin ko. Hindi rin ako half-baked gumawa so Im willing to really work.”

Si Heart Evangelista-Escudero ay automatikong presidente rin ng mga asawa ng bawat halal na senador at ito ay ayon sa tradisyon kung saan ang maybahay ng senador na napili ang siyang uupo bilang pangulo ng Senate Spouses.

Si Heart, Love Marie Heart Ongpauco-Escudero sa totoong buhay, ay pormal ng nanumpa kay Senator Chiz Escudero kasama ang ilan pa sa mga ibang opisyales na napalitan din sa pagpapalit ng bagong pangulo ng Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI) ngayon Miyerkules, June 5, 2024.

Ayon sa aktres, sadyang may kaba siya sa bagong role na kanyang kinakaharap dahil na rin sa mga paghamon na dapat niyang harapin para tulungan ang kanyang asawang si Sen. Chiz bilang bagong Senate President sa ilalim ng Republic ng Pilipinas.

“Maybe for me I’d probably do a little bit of a modern approach, I’ll try to add a few more sustainability, like programs that we can help out. So yes, full time. And Yes, kinakabahan syempre kasi hindi ko naman ito mundo eh but in a sense, you know even if its not my world, I won’t be doing the same thing so you wont be expecting me to be going to certain things just to take pictures. I really want to do something and continuously make a change na hindi lang siya na para lang artist ana nailagay sa ganitong posisyon. I want to work. So im excited in a sense. ” pagtatapat ni Heart.

Hindi rin niya ikinahiyang aminin na kailangan niya rin talagang magtrabaho para makabayad umano ng kanyang mga bills na para sa kanya ay isang obligasyon.

“Kakayanin na lang. Kung hindi darating ang mga bills, hindi na rin ako magtatrabaho, pero may mga bills so kailangan ko pang magtrabaho. But its all about balancing and you know, distributing your time, kaya naman.” ani Heart.

Inamin niya na panay panay din ang kanyang ginagawang pagkonsulta sa asawang si Sen. Chiz upang matiyak na nasa tamang hakbangin siya sa kanyang bagong role sa buhay ni Sen. Chiz.

“Hihingin ko ang advise nya (Sen. Escudero) at saka medyo OC sya pagdating sa mga detalye so I guess in a sense its also good kasi kahit iba ang mundo namin I was very trained well by Chiz kasi every detail he pays attention to, but its nice kasi, he also gives me leeway sa mga gusto naming gawin and he’s very supportive kaya nakakatuwa.” paglalahad nito.

Inamin din ni Ms. Heart na buong kababaan loob niyang tinawagan ang misis ni dating SP Miguel Zubiri na si Ms. Audrey upang humingi ng payo at malaman dito kung anuman ang mga dapat niyang ipagpatuloy para sa naiwan na mga proyekto nito matapos matanggal ang asawa sa pagka pangulo ng senado.

“We were able to exchange texts, she’s very graceful, she’s very supportive and you know I really do believe in continuation of the projects they have created and made. So we will continue that, hopefully with madam Audrey by our side. But she’s very, very nice and very supportive as well.” paglalahad ni Heart.

Nang tanungin kung anu anong mga proyekto ang kanilang bibigyan prioridad, sinabi ni Mrs. Escudero na siguradong pagtutuunan niya ng pansin ang proyekto tutulong para sa mga kabataan at kababaihan gayundin ang pagpapatuloy ng mga naiwang proyekto ng nakaraan liderato ni Mrs. Zubiri.

“Well, we are really focusing on of course, women and children, syempre, marami na rin silang nagawa on small infrastructure that we will come back and look into again. We would do come back again and rebuild certain buildings and madami pa actually. Ayoko rin kasi super salita but definitely in the coming few days, I will be working a lot. Id rather that you see that I am working than say this and that. ” pagtatapat ni Heart.

Sa bagong SSFI na mga opisyales, ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Issa Baraquel, chairperson, Committee on Youth & Women; Lani Cayetano, chairperson, Committee on Arts & Culture; Nancy Dela Rosa, public relations officer na ibinigay naman kay Ms. Kristel Dela Rosa Estoesta; Marielle Padilla, public relations officer; DSWD Undersecretary Emmeline Villar, legal counsel and chairperson of the Committee on Environment; Rep. Lani Mercado Revilla, treasurer; Teodoro Misael Llmanzares represented by son Brian Poe-Llamanzares, assistant secretary and chairperson of the Committee on Finance and Logistics; Maricel Tulfo, secretary and chairperson of the Committee on Public Assistance; Special Envoy to the UAE for Trade and Investments Kathryn Yu-Pimentel, vice president and chairperson of the Committee on Social Events.

Ang SSF sa kasalukuyan ay nakatuon sa ibat ibang socio-civic na mga gawain at iba pang humanitarian projects na ang target ay mga naulila at inabusong bata, mgad and abandonadong kabataan, elderly members ng bansa at iba pa ng marginalized ng miyembro ng kommunidad at mga taong may mga pagsubok mentally , biktima ng kalamidad, giyera at mga lugar na tinamaan ng ibat ibang karamdaman at sakit na nakakahawa na kailangan ng agaran na tulong.