
Heart, balak rumampa sa fashion week hanggang 50 years old
Hanggang 50 years old balak ni Heart Evangelista na dumalo sa mga international fashion week at fashion couture.
Ito ang sinabi ng Queen of Creative Collaborations sa Instagram kasabay ng pakiusap na sana ay huwag magsawa ang mga follower sa kanya.
Nag-post si Heart ng reel kung saan ay makikita ang iba’t iba niyang OOTD sa latest na dinaluhang fashion couture week sa Paris.
“That was a fun week 🤍 I’ll be seeing you soon and don’t get sick of me we will be doing this till we are 50,” caption ni Heart.
Inulan naman ng positive remarks ang post ni Heart mula sa netizens at nangakong hindi sila magsasawa sa pagsuporta sa aktres.
“We’re not gonna be sick of you dear heart,” sey ng isang netizen.
“We’ll never get tired of you because you always inspire us to be the best version of ourselves!” komento naman ng isang follower.
“Hindi ko namalayan tumulo yung luha ko so proud of you Keep going lang daming naka suporta at nagmamahal sayo!! PINOY,” pahayag naman ng isang fan.
“Goosebumps!! PHILIPPINES REPRESENT,” reaksyon ng isa pang netizen.