Heart

Heart aligaga sa prom ng stepdaughter

June 10, 2024 Vinia Vivar 174 views

Ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang all-out support sa stepdaughter na si Chelsi sa first-ever prom na dinaluhan nito.

Sa reel na ipinost ng global fashion icon sa Instagram, makikita ang pagiging hands-on mom niya sa anak ni Senate President Chiz Escudero na dalaga na pala.

Mapapanood sa video na si Heart mismo ang tumutulong kay Chelsi sa pag-aayos nito para sa prom, making sure na okay ang lahat mula sa damit hanggang sa hair and make-up.

“Our baby is now (a) lady!” caption ni Heart sa post.

Patuloy niya, “Our darling @yooniverse_c7 Chesi surrounded by her friends and loved ones as she officially goes to her first prom.”

Makikita rin sa video na ang date niya sa prom ay ang Sparkle actor na si Bryce Eusebio.

Nag-post din si Bryce ng ilang photos nila ni Chesi sa kanyang IG at sey niya sa caption, “Unforgettable. (first pic is me being nervous).”

Sa comment section naman ng post ni Heart ay super-touched ang netizens sa pag-aasikaso ni Heart sa stepdaughter.

Pinuri rin nila ang magandang relasyon ng aktres sa dalawang anak ng mister.

AUTHOR PROFILE