Chiz Escuder

Hearing sa PDEA leaked docs tama na, tuldukan na–Sens. Chiz, Jinggoy

May 14, 2024 PS Jun M. Sarmiento 468 views

IGINIIT ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na dapat tuldukan na ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa nag-leak na dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Sapat na umano ang resulta ng drug test ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maliwanag na pinatutunayang negatibo ang resulta sa pagamit ng ipinagbabawal na gamot,

Mismong ang mataas na opisyales ng Drug Testing Laboratory ng St. Luke’s Global sa Taguig City na sina Dr. Cecilia Fernande Lim at Dr. Geresa Reyes ang nagsabing hindi tumagal ng 3 minuto ang testing at lumabas na negatibo si Pangulong Marcos sa cocaine noong 2021.

Ipinaliwanagni Escudero na ang pagdinig na ginagawa ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa motu propio at hindi naka base sa resolusyon.

“By tradition ang motu propio hearing ginagawa lamang ng Senado kapag in-recess ang Senado.

May mahalagang bagay na nangyari, wala pang resolusyon na nai-file at nare-refer sa committee at kailangan agad dinggin.

Sa tradisyon ng Senado, kapag nag-resume na ng sesyon ang Senado, dapat maghain na ng resolusyon sa paksang ‘yon para ma-refer na ng tama,” ayon kay Escudero.

Inamin ni Escudero na nagtataka at nalilito siya kung bakit kailangan pang ipagpatuloy ang nasabing pagdinig samantalang nagpatunay na ang PDEA na wala sa kaukulang record nila at mismong si Sen. Bato diumano nagsabi rin nang kaniyang paniniwala na hindi totoong kasama ang Pangulong Marcos at si Maricel Soriano sa drug list ng PDEA.

Sa gitna ng pagdinig sa nakaraan imbestigasyon, itinanong ni Escudero sa mga PDEA officials kung ano ang dapat maging basehan para sabihin na opisyal na dokumento ng PDEA ang ginagamit sa anumang purpose.

Ayon sa mga PDEA officials, “kinakailangan magkaroon ito ng control number” na hindi naman makikita sa mga dokumento na iprinisenta ni dating PDEA agent na si Jonathan Morales.

“The image of the document does not have a control number, and therefore could be a manufactured document, a fake document, or a spurious document and being so the leak of such a document cannot be a subject of the hearing since it is not official,” paglalahad ng PDEA sa gitna ng pagdinig.

“And dahil walang control number and document, it is not official and there is no reason to pursue this hearing,” pagdiriin ni Escudero.

Para kay Sen. dela Rosa, mayroon pang pagpapatuloy ang pagdinig sa ikaapat na pagkakataon dahil sa hindi pagsipot ni dating executive secretary Paquito Ochoa sa darating na May 20, 2024.

Nagpadala si Ochoa ng medical certificate na nagkukumpirmang mayroon siyang Covid kaya hindi siya makadadalo sa imbitasyon ng komite ni Sen. dela Rosa.

Para kay Arturo Cacdac, PDEA chief noong 2012, kwestiyonable ang testimony ni Morales lalo pa at mismong siya ang nagsabing itinanim niya lamang ang mga ebidensiya sa isang operation nila sa isang Filipino-Chinese drug suspects.

Para naman kay Sen. Jose Jinggoy Estrada, naniniwala siyang kaduda- dudang witness si Morales at halatang-halata na sanay magtahi-tahi ng mga istorya para sa kaniyang pansariling agenda.

“His questionable character is showing. He cannot answer direct questions and obviously, all his stories were concocted lies,” ani Estrada.