Roxie Larawan mula sa IG/Roxie Smith

Have you been feeling the heat?

April 21, 2024 People's Tonight 235 views

NAGWALA ang netizens sa pambubulabog ni Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith.

Sa kanyang latest Instagram post, nagpasabog ng kagandahan at kaseksihan mula sa isang kabogerang photoshoot ang beauty queen-actress.

“Have you been feeling the heat?” hirit ni Roxie sa caption ng kanyang post.

Tila muling sasabak sa beauty pageant ang ibinida niyang beauty. Handang-handa na muli sa swimsuit competition ang perpektong hubog ng kanyang katawan.

Talagang walang aayaw sa perpektong kurba ng beauty queen-actress. Bumulaga man sa social media ang kanyang toned body, mapapalingon din ang sino mang barako sa pa-cleavage niya.

Hiling nga ng ilang netizens ay sana siya na ang maging susunod na modelo ng isang sikat na underwear brand dahil bagay na bagay ang kanyang alindog dito.

Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression na fierce at palaban ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.

Pinusuan ng netizens at binaha nila ng reaksyon ang nasabing mga larawan ng Kapuso actress. Ilan sa mga nagbigay komento at humanga sa karisma ng aktres ay ang kapwa niya mga beauty queen at iba pang personalidad.

Narito ang ilang komentong mababasa sa post ni Roxie: “Walang kakalma kay Roxie!”, “May pa abs!”, “Kaya pala init lately”, “HOLYYYYYYYYY M*THR…..KENDALL JENNER!!!!!”, “I fell on the floor!!”, “You’re just so perfect!!!”, “I love love love this!!!”, “Lord really has his favorites”, “May mas iinit pa ba? Sobrang gandaaaa”, “Universal face card ka Queen!”, at “She a hottie barbie.”

AUTHOR PROFILE