Yassi

Halikang Yassi at Gov. Luigi ikinakilig ng netizens

February 10, 2024 Vinia Vivar 211 views

Sa gitna ng sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz, nakakatuwang makita na mayroon din namang mga bagong namumuong pagmamahalan at nagpapakilig sa publiko.

Tulad na lamang ng latest post ni Yassi Pressman sa Instagram kung saan ay napakaraming kinilig na netizens.

Nag-post si Yassi ng series of photos pero sa pinakahuli ay nagpasabog ang aktres sa pamamagitan ng isang kissing video nila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Makikita sa reel ang short smack nila ni Gov. sa gitna ng fireworks sa langit.

Caption ni Yassi, “A beautiful night of love (heart hands, white heart, fireworks emojis). Swipe to the end for a kilig surrrpwiiz (happy face with hearts emojis).”

Hindi na nga kailangan pa ng official confirmation na sila na talaga ng politiko dahil obvious na obvious naman at happy din naman ang friends and netizens para sa dalawa.

“Last video Wow… Kinilig kami dito. Sana kayo na nga Forever,” sey ng isang netizen.

“Love the last picture, they are so sweet,’ komento naman ng isa pa.

“It’s actually kilig @yassipressman, congratulations be happy always, let this heal everyday struggles idol,” sey naman ng isang fan.

“Awww iba talaga ang Gov. Luigi namin. Ingatan mo po si Ate Yass,” anang isa pa.

Matatandaan na sa huling interview kay Yassi ay sinabi niya na ayaw pa niyang bigyan ng level ang relasyon nila ni Gov. Luigi.

AUTHOR PROFILE