
Haikui severe tropical storm na
GANAP nang severe tropical storm ang tropical cyclone Haikui na papalapit sa Philippine area of responsibility o PAR.
Batay sa update na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dakong 11 ng tanghali, si Haikui ay namataan sa 1,465 kilometro ng silangan ng dulong hilagang Luzon sa labas ng PAR.
Dala ni Haikui ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras at bugsong 135 kilometro bawat oras, habang kumikilos sa direksyong pa-hilaga sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Inaasahang makakapasok sa PAR si Haikui at tatawaging Hanna Miyerkules ng hapon o gabi.
“It is forecast to continuously intensify within the next five days,” pahayag ng Pagasa.
Papalakasin ni Hanna ang southwest monsoon o hangnging habagat simula Huwebes na siyang magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.