BBM1 HACKERS–Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek matapos matimbog sa isinagawang hot pursuit.

Hackers pinainan, tiklo

June 21, 2024 Jonjon Reyes 100 views

TATLONG tao na responsable sa mga serye ng hacking sa mga private at government websites, bangko at Facebook accounts ang inaresto ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD).

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, pinag aralan mabuti ng mga operatiba ng CCD ang galaw ng mga hackers na sina alyas Kangkong, Mirasol, Sibat, Ricardo Redoble at Lulu kaya natimbog.

Nagsimulang kumagat ang mga suspek sa pain noong Hunyo 14 ng nagkaroon ng contact sa mga hacker sa pamamagitan ng impormante.

Sumang-ayon ang suspek na makipagkita sa impormante na nagsabi na mayroon siyang proyekto at isasama niya ito at ang mga detalye tatalakayin sa kanilang pulong.

Noong Hunyo 17 nagpadala si alyas Kangkong ng compressed file na naglalaman ng database ng BELO.

Noong Hunyo 19 nagpadala rin ito ng mga na-hack na facebook account na kinabibilangan ng mga email addresses at password na ipinapahiwatig na matagumpay na na-access ng mga suspek ang database ng BELO.

Kinahapunan, isang meet up ang itinakda sa mga suspek sa isang hotel sa Maynila at doon na naaresto sina Kangkong.

Sa pagsisiyasat sa nakumpiskang phone sa isa sa suspek, nagpakita ng mga scripts at database na nakuha mula sa LGU at ibat-ibang website ng gobyerno pati na rin ang mga kredensyal ng mga gumagamit ng FB.

Naglalaman din ang phone ng mga datos na may kaugnayan sa mga ana-hack na bangko kabilang ang Philippine National Bank, Security Bank, Banco de Oro at Union Bank.

Itinatampok ng mga ito ang lawak ng mga digital assets at sensitibong impormasyong na na-access ng mga suspek at nagtuturo sa mga potensyal na paglabag sa cybersecurityng bansa.

Ang ikatlong suspek, si alyas ‘Allan 10k,’ kakasuhan sa pamamagitan ng direct filing.

Miyembro ang mga suspek ng dalawang malaking grupo ng hacking—ang Philippine Lulzsec at Globalsec.

AUTHOR PROFILE