Knife

Guro winarak ng 16X saksak ng bag snatcher

August 17, 2023 People's Tonight 341 views

PATAY ang isang guro matapos tadtarin ng saksak ng hindi pa nakikilalang suspect sa Negros Occidental.

Nakilala ang biktima na si Tony Lozaga, 51, ng Barangay 34, Bacolod City.

Sa ulat ng PNP, naganap ang insidente sa Barangay San Pedro, Binalbaga, Negros Occidental

Papauwi na ang biktima nang harangin ng suspect at tinangkang agawin ang kanyang bag pero nanlaban ito kaya tinadtad ito ng saksak ng suspect.

Dead-on-the spot ang biktima dahil sa 16 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Capt. Glen Portunes, hepe ng Binalbagan Police, posibleng pagnanakaw lang ang motibo ng krimen dahil tinangay ng suspect ang cellphone ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para bigyang linaw ang insidente.

AUTHOR PROFILE