
Gun ban ipatutupad sa SONA
MAGPAPATUPAD ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Ayon kay Brig. Gen. Leo Francisco, hepe ng PNP Directorate for Operations, ang 24-oras na gun ban ay ipatutupad mula alas-12:01 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi ng Hulyo 24.
Ang gun ban ay ipatutupad sa buong National Capital Region, Central Luzon, at Calabarzon.
Exempted naman sa gun ban ang mga pulis at sundalo na ipakakalat para sa seguridad ng SONA.