Showtime

GRUPO NI LUIS, PINASALAMATAN NG ‘SHOWTIME’ GANG

October 29, 2023 Vinia Vivar 221 views

Tapos na nga ang 12-day suspension ng It’s Showtime at bumalik na ang noontime show sa ere nitong Sabado, Oct. 28.

Sa kanilang pagbabalik ay kitang-kita na na-recharge ang mga host sa pangunguna ni Vice Ganda at opening number pa lang ay sobrang taas na ng kanilang energy.

“Yes we’re back and we miss you, madlang people,” sabi ni Vice Ganda.

“Fully charged kaming lahat para pasayahin na naman ang madlang people natin,” sey pa niya.

Matatandaan ngang nagtungo sa Hong Kong ang mga host at talagang in-enjoy nila ang kanilang bakasyon.

Sa kanilang pagbabalik ay hindi nakalimutang pasalamatan ng mga host ang team ng It’s Your Lucky Day na pansamantalang pumalit sa It’s Showtime.

“Thank you dahil itinuloy n’yo ang pagpapasaya sa maraming ka-Lucky. Saludo kami sa inyo. Mabuhay kayo,” sabi ni Jhong.

Pinuri naman ni Vice ang show at ang mga host nito sa pangunguna ni Luis Manzano.

“Ang ganda-ganda ng na-provide nilang entertainment and pagsalo sa madlang people. Kay Luis at sa buong crew po ninyo, congratulations. Thank you very much,” sabi ni Vice.

Wishing naman ang ibang netizens na sana ay wala nang maging violations ang mga host at may nagwi-wish din na sana’y ibalik sa ibang time slot ang It’s Your Lucky Day.

AUTHOR PROFILE