Default Thumbnail

Goodluck (ret) Col. Ronald Andres ng Bgy. 714

September 2, 2023 Marlon Purification 230 views

Marlon PurificationISA tayo sa natuwa nang mabalitaang tatakbo sa pagkabarangay kapitan si retired Col. Ronald Andres sa Bgy. 714, San Andres, Manila

Sarhento pa lang si Pareng Ronald ay kilala ko na siya noong nagko-cover pa tayo sa Western Police District (WPD) na kung tawagin ngayon ay Manila Police District (MPD).

Kung may matitinong pulis sa ating listahan, isa si Col. Andres sa nangunguna dahil alam ko ang kabaitan nito, ang pagiging mabuting tao, pagiging tapat na asawa, ulirang amă at higit sa lahat ang pagkakaroon ng takot sa Diyos.

Kahit noong nasa serbisyo pa ay aktibo na si Andres sa pagsisilbi sa simbahan. Katunayan siya ang kasalukuyang Pastoral President ng Our Lady of Assumption Parish Church sa Malate, Manila.

Si Kumareng Cynthia, ang nag-iisang maybahay ni Pareng Roland ay kilala ko rin ang pagkatao. Kaya nga hindi ako nagtaka na ang lima nilang anak ay pawang propesyunal na ngayon dahil sa maayos na pagpapalaki ng mag-sawa sa kanilang mga supling.

Ang panganay nilang anak na si Dra. Ma. Rhodelia ay isa nang doktor sa medisina ngayon. Hindi lamang basta doktor, kundi isa itong anesthesiology at consultant pa sa Philippine Orthepedic Center. Ang asawa knitting si Dr. Alvin Vinluan ay isa namang dalumbhasang surgeon.

Ang junior ni Col. Andres na si Ronald ay isa na ring pulis sa MPD. Sumusunod ito sa yapak ng ama. Ang misis ni Ronald, Jr, ay isa ring doktor na si Dra. Ysa Gonzales Andres.

Pangatlong anak nina Col. Andres at Kagawad Cynthia si Janelle na dating Sangguniang Kabataan chairman ay isa nang matagumpay na negosyante sa Gapan, Nueva Ecija. Si Julie Ann na pang-apat na anak nina Col. Andres ay isang IT expert na tulad ng mga kapatıd ay produkto rin ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ang bunsong si Julius Caesar ay graduate naman sa City College of Manila at dating empleyado ng Resorts Worlds.

Para sa lahat ng pamilya, ang makapagpatapos ng pag-aaral sa mga anak ay isang mahalagang bagay dahil sumasalamin ito kung anong klaseng pagpapalaki mayroon ang mga magulang para sa kanilang mga anak.

Na sa kabila ng katiting na suweldo bilang pulis ay nagagawang magkaroon pa ng doktor sa kanilang pamilya.

Ika ‘nga, kung ano ang puno, siya ang bunga at sa sitwasyon ng pamilya Andres, mabuting bunga ang nagresulta dahil sa kabutihan ng kanilang haligi at ilaw ng tahanan.

Ang maganda kay Andres, tunay na batang Maynila ang Mama.

Hindi lang basta Batang Maynila, kundi talagang Batang San Andres si Col. Andres.

Ipinanganak noong October 16, 1962; nagtapos ng elementarya si Andres sa Aurora A. Quezon Elementary School at nag-high school sa Manila High School. Kumuha ng kusong Bachelor of Science in Criminology sa PCCR hanggang maging pulis noong 1987.

Hitik sa karanasan bilang pulis si Andres.

Malaki ang naitulong nito para mapababa ang kriminalidad sa lungsod dahil bihasa sa kampanya kontra ipinagbabawal na gamot. Gayundin ay dalumbahasa sa investigation, tactics and management.

Kahit isa nang alagad ng batas, nag-aral ng abogasya si Andres.

Pumasok sa law school ng Far Eastern University at tinapos ang pag-aaral sa batas sa Manila Law College noong taong 2001.

Dahil likas ang pagiging leader ay naging presidente ng kanilang klase para pamunuan ang 496 strong police officers mula sa Region 1-13, hanggang ARMM at Cordillera province.

Naging tinyente sa pamamagitan ng lateral entry noong February 2006 at humawak ng sensitibong posisyon bilang sub-station commander sa Imus, Cavite; deputy chief of police ng nasabi ring munisipyo. Naging ‘outstanding’ din ang performance nito nang maging deputy chief of police sa General Tries Cavite PNP, bumalik sa MPD at naging deputy chief investigator sa Meisic sa Binondo Police Station. Naging hepe ng anti-carnapping unit, hepe ng counter-intelligence chief ng MPD Intelligence Division at marami pang iba.

Kung iisa-isahin ko ay kukulangin tiyak ang pahina ng artikulong ito.

Ang alam ko ay kinuha rin siya ni Mr. Henry Sy ng SM Shoemart para aging security manager ng sm Manila Southcost Development Corporation at kasalukuyang protocol officer ng Grand Singko Manila Eagles (GSM) Club.

Ngayong nagsumite na ng kandidatura sa pagkakapitan ng barangay, nasisiguro kong nakakita ng pag-asa ang mga kapitbahay ni Andres sa Bgy. 714.

Mapupunan ang pagkukulang sa kanilang barangay at mawawala na nang tuluyan ang mga naririnig na sumbong na nagkakaron ng paboritismo pag may ipinamimigay na ayuda.

Naniniwala rin akong mawawala na ang problema sa parking sa kanilang lugar na ang balita ko ay pinagkakakitaan ng kung sinu-sino lang.

Nakatitiyak din ang mga taga-Bgy. 714 na kung naging mabuting pulis at ama ng kanilang pamilya si Andres, tiyak na magiging mabuting ama rin ito ng kanilang barangay dahil ‘established’ na ang kanyang mga anak, may maayos na pensiyon buwan-buwan na ibig sabihin ay hindi na pag-iinterisan ang kakarampot na pondo ng kanilang barangay.