Michelle Larawan mula sa IG/Michelle Dy

‘Goddessa’

March 26, 2025 People's Tonight 142 views

LALABAN pa ba tayo mga mhie?”

Hindi bato ang pinukol ng netizens sa beauty content creator na si Michelle Dy, kundi samu’t saring papuri dahil sa ginawa niyang pag-awra sa social media.

“Goddessa!” ang sey ng kanyang followers sa atake ni Michelle sa isang Instagram post.

Makikita ang social media star na kabog kung kabog magpasiklab ng kanyang kaseksihan habang nakatungtong sa isang malaking bato sa dagat.

Tila nagwala ang kanyang social media followers sa mga bikini photos na inilabas ng kilalang YouTuber.

“Ginanon mo na naman kami, ma!” hirit pa ng isang IG user.

Sino ba namang kakalma kung masusulyapan ang magandang wangkata ni Michelle sa suot niyang two-piece swimwear.

Ibinida rin ng content creator ang kanyang sun-kissed glow skin. “Ola mami” sigaw ng ilan niyang followers.

Hindi lang sa makeup magaling ang social media personality, magaling din itong maging pampagana sa taglay niyang kariktan at perpektong kurba.

Nag-apoy ang comment section ni Michelle. Maging ang kanyang mga kapwa influencer ay nawindang sa pagpapainit ng social media star.

AUTHOR PROFILE