
Gloria nagpaalam sa edad 91
PUMANAW na ang beteranang aktres na si Gloria Romero, na kilala bilang isa sa Queens of Philippine Cinema, sa edad 91.
Kinumpirma ng pamilya sa pamamagitan ng kanyang anak na si Maritess Gutierrez, ang pagpanaw ng aktres.
“It is with great sadness that I announce the passing of my beloved mother, Gloria Galla Gutierrez, aka Gloria Romero, who peacefully joined our Creator earlier today, January 25, 2025,” saad ni Maritess sa Facebook post.
Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Gloria ay Dalagang Ilokana, Miss Tilapya, Kurdapya, Cofradia, Hong Kong Holiday, Iginuhit ng Tadhna: The Ferdinand E. Marcos Story, Pinagbuklod ng Langit, Miguelito: Batang Rebelde, To Mama With Love, Condemned, Saan Nagtatago ang Pag-ibig, Alabok sa Ulap, Bakit Ikaw Pa Rin?, Si Aida, Si Lorna o si Fe, Nagbabagang Luha, Do-Re-Mi, Tanging Yaman, Magnifico, I Wanna Be Happy, Rubberman, Rollerboys, Bahay ni Lola, I Think I’m in Love, Narinig Mo Na Ba Ang L8est?, Fuschia at Rainbow’s Sunset.
Nakatanggap siya ng tatlong Luna Awards mula sa Film Academy of the Philippines at dalawa sa PMPC Star Awards for Movies.
Best Comedy Actress din siya sa PMPC Star Awards for Television para sa sitcom na Palibhasa Lalake (1987).
May international din siyang pagkilala para sa Rainbow’s Sunset, kung saan wagi siya ng dalawang International Film Festival Manhattan Awards for Best Actress and Best Ensemble Acting.
Napanood siya sa mgq teleserye na Familia Zaragoza, May Bukas Pa, 100 Days to Heaven, Crazy for You, Palos, Lastikman, Munting Heredera, Forever, Niño (2014), The Rich Man’s Daughter, Juan Happy Love Story at Meant to Be (2017).
Isa sa mga naging huling proyekto niya ay ang GMA children’s fantasy series na Daig Kayo ng Lola Ko, kung saan nakilala siya bilang si Lola Goreng.
Mahigit 70 taon siyang nagtrabaho sa showbiz at lumabas sa mahigit 200 na pelikula.
heart umamin na nagpa-enhance ng lips
INAMIN ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista na sumailalim lang siya sa lip enhancement. Pero ang ibang parte ng mukha ay wala siyang pinagawa.
“Lips lang ‘yung naiba. Lips lang ‘yung pinagawa ko. It’s true. I’m just saying the truth. If you don’t accept, well, wait for judgment day. Because this is all real except that,” pagturo pa ni Heart sa lips niya sa isang teen photo niya.
Willing daw na magpatingin sa doctor si Heart para ma-examine ang face niya.
“Ayaw nilang maniwala sa akin. Alam mo, one of these days, pupunta talaga ako sa doctor. Magpapa-xray ako. I don’t know how they can prove. Mamatay man. Seryoso,” diin ni Heart.
Last year ay inamin ni Heart na nagpa-lip fillers siya sa isang kaibigan na walang lisensya na gawin iyon sa kanya. Na-traumatize daw si Heart dahil hindi maganda lumabas at nawalan ng shape ang lips niya.
Jomar at Spencer kuwela sa social media pati sa TV show
KATATAWANAN ang hatid ng influencers na sina Jomar Yee at Spencer Serafica sa maaksyong programa ng GMA Prime na Mga Batang Riles.
Ginagampanan nina Jomar at Spencer ang magkapatid na Lala at Lulu, ang dalawang anak ni Pol na ginagampanan naman ni Roderick Paulate.
Bago mangyari ang trahedya sa Sitio Liwanag, may kainan sina Lala at Lulu at lubos ang kilig nila tuwing dumadaan si Kidlat (Miguel Tanfelix).
Sa totoong buhay, nakakatawa rin sina Jomar at Spencer at patok na patok sa TikTok ang kanilang videos.
Sikat si Jomar sa video-sharing app na TikTok kung saan mayroong mahigit 300 million likes ang kanyang mga video.
Mayroon nang private resort si Jomar na pangalang CASA GooW Private Farm Resort
Sa kasalukuyan, mayroong 11.3 million followers ang kanyang main TikTok account. Mayroon ding second TikTok account si Jomar na mayroong 2.6 million followers at 51.3 million likes.
Ayon sa kanyang Facebook account, nag-aral si Jomar sa Asian Institute of Science and Technology sa Dasmariñas, Cavite.
Katulad ni Jomar, sikat din online si Spencer Serafica, lalong-lalo na sa TikTok.
Sikat na sikat si Spencer sa TikTok kung saan may mahigit 700 million views ang kanyang videos. Dahil sa mga nakakatawa niyang skit sa TikTok, pinarangalan siya ng TikTok Philippines bilang Comedy Creator of the Year.
Bukod sa TikTok, mayroon ding YouTube channel si Spencer kung saan meron na siyang 400k subscribers.