Gloria

Gloria ’di nai-impress sa pa-genius na sagot sa mga beauty pageant

April 1, 2025 Vinia Vivar 153 views

Bilang Miss Universe 1969 at kauna-unahang Pilipina na nakasungkit ng korona sa nasabing prestigious pageant, parati pa ring natatanong si Gloria Diaz tungkol sa beauty queens at beauty pageants na game naman niyang sinasagot.

Sa mediacon ng upcoming horror film niyang “Untold” under Regal Entertainment, muli siyang nahingan ng opinyon tungkol sa beauty pageants ngayon.

Aniya, nag-iba na rin talaga ang beauty contests ngayon.

“I don’t like too much ‘yung training-training-training. Kasi ,at the end, I’m always a judge, ano. In fact they talk to me if I can be a judge forever, and the thing is, they all look alike,” sey ng veteran actress.

“In fact when I do judging, hirap na hirap talaga ako kasi ang bilis! Hindi ko na maalala,” dagdag niya.

Isa pang puna ng aktres, “And I also don’t like that they are judged by what they answer. Kasi sometimes, the answer is so complicated I myself always cannot understand what they’re saying.”

Giit niya, hindi naman IQ contest ang sinalihan ng mga kandidata kundi beauty contest.

“This is not an IQ contest, eh, it’s a beauty contest. It’s okay with me all the plastic surgery and all that. I don’t care. But I don’t like these very parang genius answers and people think just because you could speak English, magaling ka na. Hindi. Sa akin, gusto ko nga, mag-Tagalog sila, eh, para it’s more from the heart. Or Bisaya or whatever,” pakli ng former Miss U.

“But ‘yun, ayoko ‘yung masyadong trained na pati turning, pati tingin, pati tayo, I don’t like that, eh. Wala na, tapos pag-ikot mo sa likod, iba na sila, hindi ba? The natural.

So I want to see a more natural person,” patuloy niya.

Tungkol naman sa reaksyon niya sa comments na nawawala na ang ningning at kinang ng Miss Universe, sey niya, “Yes and no. Because the Miss Universe kasi is different now, hindi ba?”

Aniya pa, naninibago na siya sa Miss U dahil ibang-iba ito sa panahon nila.

“The Miss Universe now, I think, basta iba, iba na talaga. They made it more, how do you say that? Inclusive, hindi ba? Even if you’re a mother with a kid, I think there’s no age limit na ngayon, you can be a man, you can be whatever.

“But I’m not really for that. Kasi Miss Universe should be mga ganu’n, 18 to 25, 26 (years old). During my time, when you’re above 23, 24, they always say, ‘And now, the oldest candidate for Miss Universe, 24-year-old something-something!’ Right?

“So parang naninibago ako. But I try to adjust, kasi marami namang magagandang 28 years old, ano? Pero I’m not crazy about, you know, all the changes that’s happening.

And of course, like I said, I always wanted to speak in their language, whatever they’re comfortable. I’m not impressed with those big words na diaspora, serendipity.

Parang balewala naman iyan sa akin,” pahayag ng dating beauty queen.

Samantala, after “Mallari” ay balik-horror si Gloria sa pelikulang “Untold” na parehong idinirehe ni Derick Cabrido.

Kung sa “Mallari” ay gumanap siyang manananggal, dito sa “Untold,” she plays mother to Jodi Sta. Maria’s character.

Kasama rin nila rito sina Joem Bascon, Lianne Valentin, Juan Karlos, Sarah Edwards, Kaori Oinuma, Mylene Dizon, Gian Magdangal, Miggs Cuaderno, Carlo San Juan at Elyson de Dios.

Rated R-13 with no cuts ang “Untold” na ginastusan ng Regal Entertainment ng P70 million.

Showing na ito sa April 30 sa mga sinehan nationwide. Ipalalabas din ito sa North America at sa iba’t ibang bansa.

AUTHOR PROFILE