Gladys

Gladys, dama na pagseselosan siya ni Carmina dahil kay Zoren

October 29, 2023 Vinia Vivar 281 views

Pabirong sinabi ni Gladys Reyes na baka magselos sa kanya si Carmina Villarroel sa bago nilang teleserye ng asawa nitong si Zoren Legaspi.

Magkatrabaho ngayon sina Gladys at Zoren sa Black Rider ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Ruru Madrid at mag-asawa ang kanilang papel.

“Alam mo, feeling ko, ito na talaga ang project na magseselos si Carmina Villarroel dahil patay na patay po si Zoren sa akin dito sa teleseryeng ‘to,” natatawang sabi ni Gladys sa mediacon.

Tawa naman nang tawa si Zoren sa sinabi ni Gladys.

“Tingnan mo si Zoren, parang ikinahihiya ako. Hoy, aminin mo, ‘yun ‘yung role ni Mayor Alfonso,” sey ni Gladys.

Kidding aside, ayon sa aktres, ang Black Rider daw ang kanyang comeback teleserye.

“Ito po ‘yung pagbabalik-serye ko actually, dahil ang tagal kong hindi gumawa ng teleserye. My last was Madrasta and then ino-offer-an nila ako, puro lock-in. Ayokong mag-lock-in that time because of mga anak ko,” kwento ni Gladys.

Hanggang sa dumating nga ang offer ng Black Rider at God’s perfect time raw talaga dahil wala nang lock-in at ang bida pa ay kapatid niya sa pananampalataya sa Iglesia ni Cristo na si Ruru.

“Working with Ruru again, mga kapatid ko sa pananampalataya with Jon Lucas din, ano? I’m so happy and proud of them, sa mga batang ito. Mababait, marespeto, mahuhusay na mga batang aktor,” she said.

First time naman daw niyang makatrabaho si Yassi Pressman na lead actress sa serye.

“Though hindi kami nagka-eksena pero sa tent, kain kami nang kain,” tsika pa ni Gladys.

Magsisimula na ang Black Rider sa Nov. 6 sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE