Default Thumbnail

Ginang dedo sa pamamaril sa Tondo

July 5, 2022 Jonjon Reyes 297 views

ISANG 39-anyos ang nasawi matapos tumamo ng tama ng bala sa ulo sa Tondo, Maynila Lunes ng gabi.

Dead on the spot ang biktima na may asawa at residente ng Aroma Buliding 14, Bgy. 105 sa Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD (Manila Police District)-Homicide Section, bandang 11:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Helping Building 7 sa Aroma, Bgy. 105 sa parehong lugar.

Sa imbestigasyong nakalap ng mga awtoridad, dalawang putok ng baril ang narinig ng ilang residente sa lugar at nakita na lamang na nakabulagta ang ginang.

Nakita rin ng ilang saksi ang suspek na tumakas bitbit ang baril patungong Building 3 sa Aroma Compound sa Tondo.

Sa isinagawang follow-up operation ng MPD Station 1, natimbog ang suspek at itinurn over sa MPD Headquarters sa UN Avenue.

AUTHOR PROFILE