
GIGI NANGHINGI NG DASAL PARA SA INANG MAY KANSER
Humihingi ng dasal mula sa publiko ang singer na si Gigi de Lana para sa kanyang ina na may stage 4 breast cancert at kasalukuyang nasa ICU (Intensive Care Unit) sa hospital.
Sa video na naka-post sa official Facebook page ni Gigi ay mapapanood ang kanyang maramdaming mensahe before her recent performance.
“My mom is at the ICU now. If you have seen my Instagram stories, meron doon prayer. If you want to pray for my mom, you can pray for her if you want.
“She’s fighting for her life now, and I don’t know if pag-uwi ko nandoon pa siya. But I really wish she would be there. I really want to hug her and kiss her,” pahayag ni Gigi,
Kasalukuyang nasa Canada si Gigi para sa kanyang Gigi Vibes world tour na magtatapos sa May 18.
Kaya ang payo ng singer sa lahat, magbigay ng oras para sa mga mahal sa buhay habang nandirito pa sila.
“Because, you know, hindi n’yo alam kung kailan mawawala ‘yung taong mahalaga sayo, so spend the time sa kanila and love with all your heart. There’s nothing wrong with it. Just love para hindi ka rin mag-regret,” aniya.
Inamin din niyang nagsisisi siya sa mga bagay na hindi niya nagawa para sa kanyang ina.
“Because now, I am regretting things that I didn’t do with my mom. I love her so much. And please love your family kasi sila lang ‘yung nandiyan para sa inyo. Trust me, they love you with all their heart. Mahal na mahal kayo ng parents n’yo,” pahayag ng singer.
Matatandaan na unang inamin ni Gigi noong 2022 ang tungkol sa pagkakaroon ng breast cancer ng kanyang ina.
Noong January, 2023 ay muli itong nabanggit ng singer matapos niyang pagupitan nang maigsi ang kanyang buhok.
“I decided to cut my hair; sinabi ko na lang new look. The main reason was my mom. She is doing chemo. Ang gusto ko masabayan ko siya sa journey niya. I didn’t tell my mom the reason I cut my hair short. Siya kalbo na,” ang pahayag ng singer.