Julia

Gerald, dinenay na kasal na sila ni Julia

July 4, 2023 Vinia Vivar 370 views

Itinanggi ni Gerald Anderson na kasal na sila ni Julia Barretto sa panayam sa kanya ni Isko Moreno sa YouTube vlog.

Pero inamin naman niyang may plano silang pakasal in the coming years.

“Of course, of course. In the coming years, pero medyo parang… sigurista ako, eh, gusto ko parang nandoon na… gusto ko relaxed, medyo relaxed tayo, hindi na kailangang laging nagpupuyat sa trabaho,” sey ni Gerald.

Noon pa nga ay nababanggit na ng aktor na talagang pinaghahahandaan na niya ang paglagay sa tahimik pero gusto muna niyang maging financially stable siya bago mangyari ‘yun.

Kaya nga raw sige-sige siya sa pagtatrabaho ngayon at pagnenegosyo para sa future ng kanyang mabubuong pamilya.

AUTHOR PROFILE