
GCash, Malabon City nagtulungan para sa implementasyon ng cashless payment
PUMIRMA sa memorandum of agreement ang nangungunang finance application na GCash at ang City Government of Malabon para sa implementasyon ng cashless payment sa lungsod, dahilan upang maging cashless payment-enabled communities ang lahat ng lungsod sa National Capital Region.
Ang nasabing kolaborasyon ay repleksiyon ng iisang misyon ng Malabon City LGU at GCash na gawing mas ligtas at mas mapadali ang pang-araw-araw na transaksiyon ng mga user gamit ang digital payment methods.
Sa ilalim ng nasabing partnership, magkakaroon na ng access sa mas ligtas, mabilis at epektibong financial transaction ang mga Malaboeños dahil mapapabilang na ang GCash sa payment option ng online portal ng lungsod at sa https://online.malabon.gov.ph/Malabon/OnlineServices/login portal.
Dagdag pa rito, lahat ng cashiers sa City Treasurer’s Office ay tatanggap na ng cashless payments para sa face-to-face transactions gamit ang GCash Scan.
Pinasalamatan naman ni GCash Head of Commercial Sales Macky Limgenco ang lokal na gobyerno ng Malabon para sa kanilang kahandaan at pagpayag na mas maihanda ang serbisyo ng lungsod para sa kinabukasan.
“We are excited to kick off Malabon City’s integration of cashless payments to pay city taxes and fees. This initiative will give more convenience to the residents and businesses, and enable faster economic growth and development for the people of Malabon City,” sabi ni Limgenco.
Ang kolaborasyon ay naglalayong makatulong na pataasin ang kamalayan at turuan ang mga trabahador at mga nasasakupan ng lungsod sa mga features at benepisyo ng mga finance applications katulad ng GCash.
Ang pagpirma ng dalawang partido ay bahagi ng 425th founding anniversary event ng lungsod na pinangunahan nina Mayor Hon. Jeannie N. Sandoval, City Treasurer Norman Delos Reyes, at GCash Head of Commercial Sales Macky Limgenco.
Bukod sa pagtulong ng GCash sa digitization roadmap ng Malabon City, tinutulungan din nito ang kanilang partners na hikayatin pa ang small and micro-entrepreneurs na tanggapin at gamitin ang cashless payments.
Dahil dito, mas maraming vendors sa lungsod ang makakasali sa GCash Pera Outlet (PO). Ang feature na ito ay nagbibigay oportunidad sa mga maliliit na negosyante na kumita ng extra income at mas mapalaki pa ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng akses sa mga customers sa serbisyo ng GCash tulad ng cash-in, cash-out, paying bills, at send money.
Ang mga residente ng Malabon ay isa sa mga top user ng digital financial services ng GCash partikular na ang Send Money, Pay Bills, Buy Load, Web Payment, at Pay QR.