Gcash

GCash hinikayat ang kultura ng pag-iipon sa mga Pilipino

July 15, 2024 People's Tonight 285 views

KASABAY ng selebrasyon ng Savings Consciousness Week, mas pinalakas at pinaigting ng leading finance application na GCash ang kultura ng pag-iipon sa mga unbanked at under-banked na Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng mas madali, ligtas, at high-earning savings.

Sa ngayon, isa sa apat na mga bank account holders sa Pilipinas ay mayroong account sa ilalim ng GSave, ang in-app savings marketplace feature ng GCash na suportado ng Bank of the Philippine Islands, Maybank, at iba pang digital banks tulad ng UNO Bank at CIMB Bank.

Ang GSave ay nagbibigay ng mataas na interest na 4%-6% per annum na tinutulungan ang mga users na kumita ng humigit sampung beses kaysa sa tradisyonal na savings account.

Sa pamamagitan ng feature na ito, sinisigurado ng GCash na mabigyan ng mataas na returns ang mga users upang matulungan ang mga ito na makapag-ipon para sa emergency fund, education fund, health at medical expenses, retirement fund, business capital, at iba pa.

Ayon kay GCash market education head Mark Ilao, kahit sino ay maaaring magbukas ng GSave savings account gamit ang GCash app.

Idiniin din niya na wala itong maintaining balance at free of charge ang money transfer mula GCash papunta sa GSave account na nagbibigay oportunidad sa mga users na mag-deposit at mag-withdraw kahit kailan at kahit saan.

“Using only their mobile phones, Filipinos have the power to achieve their financial goals and dreams and provide better financial security for themselves and their loved ones,” aniya.

Ayon sa Consumer Expectation Survey 2023 ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 7 mula sa 10 na mga Filipino households ay wala pa ring savings account kaya naman gustong siguraduhin ng GCash na magkaroon ang lahat ng Pilipino ng akses sa financial services.

Dagdag pa rito, tinutulungan din ng GCash na mapaunlad ang financial literacy ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Learning Hub nito na nagbibigay ng learning materials patungkol sa kung paano nila gamitin ang kanilang finances.

Upang makapag-umpisang mag-ipon sa GSave, maaari lamang pindutin ng users ang icon nito sa dashboard ng kanilang mga GCash applications at sundin ang mga susunod na mga instructions.

Noong 1994, idineklara ng BSP ang Hunyo 30 hanggang Hulyo 6 bilang Savings Consciousness Week sa Pilipinas. Bilang parte ng inisyatibo ng GCash ngayong taon na may temang “A Saving Culture Leads to a Successful Culture,” ang kompanya ay nananawagan sa mga bangko at financial institutions na magkaisa at palawigin pa ang kamulatan ng mga Pilipino sa importansya ng pag-iipon at ang gampanin nito sa ekonomiya ng bansa.

AUTHOR PROFILE