Frasco

Gastronomy, food culture isinulong ng DOT, cooks

June 23, 2024 Jonjon Reyes 82 views

CEBU, PHILIPPINES–Nakikiisa ang Department of Tourism (DOT) sa mga cook sa pagsusulong ng masiglang gastronomy at kultura ng pagkain habang nag hohost ng kauna-unahang UN Tourism Regional Forum on Gastronomy Tourism for Asia at Pacific,

Inihayag ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na nakipag-collab ang DOT sa mga batikang chef para ipakita ang masasarap na pagkaing Pilipino.

“Ang kaganapang ito hindi lamang magtataas sa Pilipinas bilang isang gastronomic destination ngunit magbibigay din ng plataporma para sa pakikipagtulungan at pagpapalitan ng kaalaman sa mga internasyonal na eksperto sa pagluluto,” dagdag ng pinuno ng turismo.

Kabilang sa mga chef na lalahok sina Waya Araos-Wijangco (Cordillera Administrative Region), Xavier Mercado (Region 1), Jehan Damasco (Region 2), Howard Dizon (Region 3), Lyceum of the Philippines-University Culinary Institute-Laguna (Region 4A), Nathaniel Imson (Region 4B), Andhei Nacion (Region 5), Ariel Castañeda at Chef Paul Dane Aligaen (Region 6), June Rhoses Fernandez (Region 7), Rolf Arwin Lopez Yu (Region 8), Jose Mari Alavar Alfaro (Region 9), Ruthchene Marie Tabique (Region 10), Clinton Gregorio at Renante Raseroni (Region 11), Ronald Ferman (Region 12), Yvette Atis (Region 13), Tahir Malikol at Miguel Cabel Moreno ng Office of Muslim Affairs and Mindanao Promotions (OMAMP).

“Ang Unang UN Tourism Regional Forum on Gastronomy Tourism para sa Asya at Pasipiko isang kamangha-manghang pagkakataon para sa Pilipinas na maitatag ang sarili bilang isang pandaigdigang destinasyon ng pagkain.

Isang pagkakataon ito upang ipakita ang ating magkakaibang tradisyon sa pagluluto sa isang internasyonal na madla.

Ang kaganapang ito nagbubukas din ng magagandang pagkakataon para sa atin na makipag-ugnayan sa mga pandaigdigang pinuno sa gastronomy at turismo.

Ang mga pakikipag-ugnayan na ito magbubunga ng mahahalagang pakikipagtulungan na magpapalakas sa ating lokal na ekonomiya at magpapahusay sa ating reputasyon bilang isang culinary hotspot,” sabi ng UN Tourism Ambassador para sa Gastronomy Tourism Chef Margarita Fores.

Sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang panlalawigan ng Cebu, magkakaroon ng pagkakataon ang mga delegado na maranasan ang mga technical tour sa Camotes Islands, culture and gastronomy tours sa Argao at Dalaguete, gayundin sa Bojo sa Aloguinsan na pinangalanang Best Tourism Village ng UNWTO sa 2021.

AUTHOR PROFILE