Fuel Source: PNA

Gas sisipa sa P1.20/liter, diesel P1.40/liter next week–DOE

April 5, 2024 Edd Reyes 85 views

MALAMANG na kalbaryo na naman ang sapitin ng mga vehicle owners dahil sa nakaambang taas-presyo ng gasolina, krudo at kerosene sa susunod na linggo.

Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na posibleng sumirit ng P1.20-P1.40 per liter ang presyo ng diesel.

Mula P0.90 sentimos hanggang P1.20/liter ang itataas ng gasolina at mula P1.10 hanggang P1.30 sa kerosene.

Bunsod ang napipintong pagtaas, ayon kay Romero, ng patuloy na gulo sa Gitnang Silangan at ang pagbabawas ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

AUTHOR PROFILE