Gas Source: FB file photo

Gas, diesel, kerosene prices bubulusok next week

June 28, 2024 Edd Reyes 29 views

SASALUBUNGIN ng panibagong oil price increase ang mga kawawang motorista sa Hulyo matapos i-anunsyo ng Department of Energy (DOE) ang halos tuloy ng pagsirit uli ng presyo sa Martes, Hulyo 2.

Ayon sa DOE, posibleng tumaas ang presyo ng gasolina ng 50 sentimos hanggang 80 sentimos kada litro, 30-60 sentimos sa diesel at 20-40 sentimos kada litro sa kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Gaya ng dating alibi ng DOE, tumaas ang halaga ng krudo sa world market bunsod ng gyera sa Ukraine at Russia, ang gulo sa Gitnang Silangan at ang paghihigpit ng oil production ng Organization of Petroleum-Exporting Countries’ (OPEC).

Kadalasang ini-aanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang pagtataas ng presyo tuwing Lunes.

AUTHOR PROFILE

Nation

SHOW ALL

Calendar