Fuel

Gas bababa ng 75 cents/liter, diesel 85 cents/liter

July 29, 2024 Edd Reyes 157 views

MAGBABAWAS ng katiting na 75 sentimos per litro ang presyo ng gasolina, 85 sentimos/litro sa diesel at 80 sentimos/litro sa gaas ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Corporation, Seaoil Philippines at Flying V simula alas-6:01 ng umaga ng Martes.

Ganito din kababa ang bawas presyo ng PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Unioil Philippines, Petro Gazz at Eastern Petroleum habang alas-12:01 ng madaling araw ang simula ng proce cut ng Clean Fuel.

Gaya ng dati, dahilan ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ang paghina ng pangangailangan ng produktong petrolyo sa buong mundo, pati na rin pagbaba ng tensiyon sa Gitnang Silangan nang tiyakin ng Iran na hindi sila gaganti sa ginawang pag-atake ng Israel.

AUTHOR PROFILE