Gary stages last major concert

October 25, 2024 Aster Amoyo 362 views

Gary1Gary2Gary3IS Mr. Pure Energy Gary Valenciano retiring from the concert stage after his two-night major solo concert at the Big Dome on December 20 & 22, 2024?

The answer is yes sa pagku-concert sa malalaking venue as a solo performer but will still continue staging concerts in smaller venues tulad ng The Theater at Solaire, Newport Performing Arts Theatre, Music Museum and in more intimate places including corporate shows.. He will still be appearing in big venues as special guest performer but he will no longer be doing his own major solo concerts.

Mr. Pure Energy Gary V. is staging his final two-night solo concert at the Araneta Coliseum billed as “Pure Energy: One More Time” on December 20 & 22, 2024. Ito na rin ang kanyang sariling pamamaraan ng pasasalamat for his 40th year in the entertainment business.

This announcement drew mixed emotions from his loyal fans who were there since day one when he staged his very first major solo concert at the Araneta Coliseum back in 1984 and that was four decades ago.

While his mind dictates na ipagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagku-concert sa malalaking venues, ang kanyang katawan na mismo ang umaayaw dahil sa kanyang kalusugan.

At age 60, kung titingnan ay parang walang nagbago kay Gary V. He is still that young-looking and energetic when he performs. Ang tingin nga sa kanya ng mga tao ay hindi siya tumatanda at all.

Alam ng marami that he’s a type 2 diabetic person since he was young, isang sakit which he deals with everyday and will carry on forever. He’s thankful to God that he’s still alive up to now. Sobra rin ang pasasalamat niya sa kanyang wife of 40 years na siya rin niyang tumatayong manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano, his number one nurse and caregiver.

Back in 2018 when he was performing on “ASAP” with his son na si Gab for his 35th anniversary, biglang nakaramdam ng paninikip ng kanyang dibdib si Gary na naging daan ngng kanyang open heart bypass operation. Two weeks later, he was diagnosed with cancer in his kidney and had to undergo another kidney operation. But in God’s grace, pareho itong nalagpasan ni Gary V. and in no time at all ay balik siya sa kanyang hosting and performing stint at “ASAP….” at kasunod na nito ang kanyang pagbabalik sa concert scene. And since then, there was no stopping him from doing what he enjoys most, performing.

Last February 2024, sumailalim siya ng angioplasty and implanted 2 stents on him, the very reason kung bakit hindi na siya nakapag-perform sa Febrruary 9, 20204 concert ng Concert Queen na si Pops Fernandez sa The Theater at Solaire kung saan isa sa mga special guest performers si Gary V..

Gary V. even showed to us his braces on his knee and he’s currently undergoing therapy. People looks at him as though he’s in perfect health at walang pinagdadaanang issues na may kinalaman sa kanyang health laluna when he’s on stage performing o nasa harap ng kamera.

From the very start ay naging bukas na si Gary V. sa kanyang pagkakaroon ng type 1 diabetes at iba pa niyang sakit pero ang kanyang strong faith sa Diyos ang patuloy niyang sinasandigan.

“I lift everything up to the Lord!” he declares.

Pero sa kabila ng iba’t ibang health issues na pinagdaanan at patuloy na kinakaharap ni Gary V., he gives his 200% performance whenever he’s on stage at ito ang muling makikita sa kanya on his two-night final major concert at the Big Dome on December 20 & 22, 2024, his own way of thanking the Lord and his fans in celebrating his 40 years in the entertainment business and concert scene.

Samantala, inamin sa amin ni Gary V. na nakakaramdam na umano siya ng lungkot dahil silang dalawa na lamang ng kanyang wife na si Angeli ang nakatira sa kanilang huge house in Antipolo. Ang kanilang panganay na anak na si Paolo ay may sarili nang pamilya habang nasa America naman ang dalawa pa nilang anak na si Gab at Kiana. Kakaiba naman ang joy na kanyang nararamdaman whenever he sees his two grandkids na si Leia at Luch, ang dalawang anak ng kanyang panganay na si Paolo at misis nitong si Samantha Godinez-Valenciano.

Plano ni Gary V. na magtayo ng sarili niyang music studio also in Antipolo separated from their house.

Si Gary ay palagian pa ring napapanood sa Sunday musical variety show on ABS-CBN, ang “ASAP Natin `To” kung saan isa siya sa mga hosts and regular performer.

Sa kanyang upcoming final major concert sa Araneta Coliseum, the award-winning veteran singer-songwriter, hitmaker, dancer, TV host, musician, arranger and record producer will still be singing and performing his own classic hit songs tulad ng “Pasko na Sinta Ko,” “Natutulog Ba ang Diyos,” “Di Na Natuto,” “Warrior is a Child,” “Take Me Out of the Dark,” “Sana Maulit Muli,” “Hataw Na,” “Shout for Joy,” “Kailangan Kita,” “Lift Up Your Hands,” “I Will Be Here,” “Narito,” “Babalik Ka Rin,” “Eto Na Naman,””Wag Ka Nang Umiyak,” “Father’s Love,” “Gaya ng Dati,” “Kung Tayo’y Magkakalayo” and many more.

Gary V’s eldest son, singer, theater and stage director na si Paolo will direct “Pure Energy: One More Time” at the Big Dome.

This is a triple celebraration for Gary V who is not only celebrating his 40th year in the business but also his 40th year wedding anniversary with his wife na si Angeli Pangilinan-Valenciano and the 40th birthday of their eldest son na si Paolo na niregaluhan nila ng kanyang wife ng isang big bike (motorcycle) kaya ito napaiyak sa sobrang tuwa.

Ellen naitago ang pagbubuntis

EllenEllen1MY world keeps getting better and better,” ito ang caption ng model-athlete, actor and businessman na si Derek Ramsay sa kanyang FB account sa picture showing his wife na si Ellen Adarna-Ramsay in a hospital bed na karga ang kanilang first baby (a girl?) at kung saan kasama ang panganay ni Ellen (sa actor na si John Lloyd Cruz) na si Elias (7).

Mukhang naitago ng mag-asawang Derek at Ellen ang pagbubunbtis ng huli matapos magka-miscarriage si Ellen sa first baby nila ni Derek nung isang taon.

Ang mag-asawang Derek at Ellen ay may respective sons from their previous partners – si Austin (20) sa ex-wife ni Derek na si Mary Christine Jolly at si Elias (7) sa dating karelasyon ni Ellen, ang actor na si John Lloyd Cruz.

Sina Derek at Ellen ay ikinasal sa isang dreamy wedding nung November 11, 2021 na ginanap sa Rancho Bernardo Luxury Villas Mountain Resort in Bagac, Bataan. The celebrity couple were first seen having an intimate dinner sa bahay ni Derek in Ayala Alabang together with friends including Ruffa Gutierrez, the following month ay naging magkasintahan ang dalawa and in March, they got engaged. Eight months later ay nagpakasal na ang dalawa. Before they celebrate their third wedding anniversary ay meron na silang sariling baby na kamakailan lamang isinilang ni Ellen.

Magsisilbi namang advance wedding anniversary gift at maagang pamasko ang kanilang first baby.

Tuwang-tuwa naman si Elias na big brother na siya sa kanyang baby sister (?) o baby brother. Masaya rin ang eldest son ni Derek na si Austin na kasalukuyang nasa London kung saan ito nag-aaral ngayon.

Sina Derek at Ellen ay parehong on a semi-retired phase ng kanilang respective showbiz careers.

Inulan naman ng mga pagbati ang mag-asawang Derek at Ellen mula sa kanilang mga kaibigan (in and out of showbiz) and fans.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Folloe me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE