
‘Gang member’ tinodas sa Tondo
WALANG awang pinagbabaril ang sinasabing miyembro ng Batang City Jail noong Huwebes sa corner ng Calamansi at Quezon Sts., Tondo, Maynila.
Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, pinagbabaril ang biktimang si Ardie Rico bandang alas-12:55 ng madaling araw, ayon sa saksi na si Roland Tanael.
Ayon sa saksi, bumulaga sa kanya ang bangkay ng biktima nang buksan niya ang pinto.
Agad niyang ipinagbigay-alam sa caretaker ng apartment na siya namang nag-report sa Don Bosco Police Community Precinct sakop ng MPD Station 1.
Kinordon ng mga pulis ang area at sumunod na dumating ang mga tauhan ng MPD Forensic Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Rex Manlansing.