BI

Gamit, tauhan ng BI sa MCIA bago

June 20, 2024 Jun I. Legaspi 98 views

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) na bago ang kanilang makinarya, tauhan at gamit bilang suporta sa Cebu Connect initiative sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Sa pakikipagtulungan sa Aboitiz GMR-Megawide Cebu Airport Corporation (AGMCAC), nagpakalat ang BI ng mga tauhan upang tumulong ma-transform ang MCIA bilang isang major transit hub sa Southeast Asia.

Ang Cebu Connect project naglalayong mapalakas ang airport transfer service system, magkaroon ng mas epektibong koneksyon at maiwasan ang problema para sa mga pasahero.

Bahagi ito ng mas malaking layunin ng Cebu bilang ideal entry point para sa domestic at international travelers.

“The BI is committed to supporting Cebu Connect by providing advanced resources and skilled personnel. This partnership will significantly improve passenger processing times and enhance overall airport security,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.

BIlang bahagi ng Cebu Connect initiative, isang bagong section ng MCIA terminal ang binuksan para mapabilis ang immigration services para sa mga pasahero.

AUTHOR PROFILE