
Gadon binira si Leni
BINIRA ni UniTeam senatorial candidate Atty. Larry Gadon si Leni Robredo bilang reaksiyon sa sunud-sunod na pagkakabisto sa pamemeke ng kampo ng huli para palabasin umano na maraming taga-suporta ang dumarating sa mga campaign rally niya.
“Pati ba naman numbers sa rally n’yo pinepeke n’yo pa? Sagad hanggang buto ang pagiging peke mo Robredo!,” ani Gadon.
Kung matatandaan, ibinisto ni Philip Ceasar Cadabuna, isang drone operator, ang ginawang pamemeke sa numero ng kampo ni Robredo nang mag-rally ang mga ito sa Echague, Isabela kamakailan.
Inupahan ng team ni Robredo si Cadabuna upang kumuha ng live feed coverage sa kanilang grand rally sa Echague Municipal Hall nitong nakalipas na Sabado.
Subalit ganoon na lang ang gulat nito dahil ang alam niyang crowd estimate na 4,000 hanggang 5,000 ay ginawang 40,000 supporters nina Robredo.
“Ang akala yata n’ya ay walang pipiyok at kakanta,” sabi pa ni Gadon.
“Akalain n’yo umabot daw ng 70,000 ang nasa rally nila sa Paglaum Sports Complex? Eh ang Philippine Arena sa Bulacan nga na world largest arena in the world ay 55,000 capacity lang tapos sa Bacolod 70K,”” sabi pa ni Gadon.
Idinagdag ng senatorial candidate na isa ring YouTube sensation ngayon na gumagamit umaml ng lobo ang mga mga diumano’y hakot na audience para kapag kinunan ng drone, magmumukhang makapal ang tao.
“Antayin n’yo, ibubunyag ko ang kumpletiong detalye ng koalisyon ni Robredo sa mga teroristang NPA,” sabi pa nito.