
FUNDRAISING DRAG SHOW, TULOY PARA KAY PURA LUKA
bumubuhos ang suporta ng mga tao, kabilang na nga ang mga taga-showbiz, sa controversial drag queen na si Pura Luka Vega na pinalaya na matapos mag-post ng bail kahapon.
Umabot sa mahigit kalahating milyon ang nalikom na donasyon para sa kanyang piyansa.
Matatandaang nu’ng Wednesday (October 4) ay inaresto ng mga pulis ang drag queen sa kanyang tinitirahan sa Sta. Cruz, Manila kaugnay ng mga kasong Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.
Upang matulungan si Pura Luka ay nagbukas ng donation channels ang direktor ng Drag Den Philippines na si Rod Singh at kapwa drag queens para sa kanyang pampiyansa.
Sa latest update ni Direk Rod sa X (dating Twitter), nasa P552,899.22 na ang halaga ng donasyon kaya abut-abot ang pasasalamat niya.
Bilang suporta pa rin kay Pura Luka ay magsasama-sama ang drag queens sa isang fund-raising drag show at bazaar sa Brooklyn Warehouse Manila ngayong Linggo, October 8.
MGA PAMBATO NG ’PINAS
Muling nagbigay ng karangalan sa bansa ang dalawang groundbreaking series ng GMA Entertainment Group na Voltes V: Legacy at Maria Clara at Ibarra.
Iyan ay matapos humakot ng parangal ang mga programa ng GMA Network sa 2023 Asian Academy Creative Awards.
Kabilang diyan ang Voltes V: Legacy na magiging pambato ng Pilipinas sa dalawang kategorya: Best Animated Programme or Series (2D OR 3D) at Best Visual or Special FX in TV Series or Feature Film.
Nanalo rin ng National Award for Best Theme Song ang soundtrack ng Maria Clara at Ibarra na Babaguhin Ang Buong Mundo na kinanta ni Julie Anne San Jose.
Bilang National Winners, magiging kinatawan ng Pilipinas ang mga naturang programa sa Grand Awards and Gala Final na gaganapin sa December 7.
Ang Asian Academy Creative Awards ay kumikilala sa world-class entertainment sa iba’t ibang platform gaya ng telebisyon, digital, streaming, atbp.